Mag-lakbay kita Bai!(Lakbay Sanaysay)

Ang lungsod ng Lapu-Lapu ang isa sa pinaka-sikat na lugar dito sa Cebu. Bakit kaya ito tinawag na Historic Resort City? Tanong itong sumasagap sa aming isipan ng aking mga ka grupo kaya kami ay naglibot sa mga kilalang lugar sa Lapu-Lapu na kung saan makahanap kami ng kasagutan sa aming mga tanong.

Nagtagpo kami sa Crossing Marigondon at habang naghihintay sa aming isang ka-grupo na darating ay bumili muna ako ng buko dahil sa mainit ang klima at para nadin pampa lamig.  Pagdating niya ang napagdesisyunan kaagad naming na bumiyahe. Sumakay kami ng isang jeep papuntang Mactan New Town. Naglakad papuntang Mactan Shrine, ang lugar kung saan matatagpuan ang monumento ni Lapu-Lapu.

baba1

 

Kumuha kaagad kami ng litrato sa harap ng dakilang Lapu-Lapu ang simbolo ng katapangan ng mga Pilipino.  Sa kabila ng mainit na panahon ay makikita mo parin ang dagsa nga mga turista at paano nila tinatangkilik ang lugar. Picture doon, picture dito. Doon sa Magellan Shrine, natuklasan namin ang nakaukit na pangalan ni Ferdinand Magellan at taon ng kasaysayan ng tinatawag na “Battle of Mactan”. Nakita din namin ang kuwadro ng labanan ng dalawang tropa ni Magellan at Lapu-Lapu.

 

Naglibot kami sa lugar at natagpuan namin ang “Balay ni Bulakna”. Sa aking kaalaman, si Prinsesa Bulakna ay ang asawa ni Lapu-Lapu. At doon nakita namin ang lugar kung saan nagpapahinga ang prinsesa,  makaluma ang desinyo at payapa ang ambiance doon. Sabi-sabi rin ng mga tao ay kapag dadalo si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay doon din siya nagpapahinga.

Pagkatapos sa Mactan Shrine ay Punta Engaño naman ang ikalawang destinasyon namin. Doon kasi kadalasang matatagpuan ang batid na mga resort sa syudad. Habang naglalakad kami papuntang pangpang ay nakasalamuha kami ng mga nakalatag na tuyong starfish at sea shells na isa sa pinagkukunan bilang pangkabuhayan ng mga tao doon. May mga bata ring masayang naglalaro ng gagamba sa gilid ng daan.

 

Malayo-layo man ang lalakarin, desidido parin kaming makapunta. Nang narating namin ang dulo ng lugar doon, nakita namin ang ma-asul at malalim na dagat at makikita mong napakalinaw ng tubig. Tanaw din mula doon ang mga resort ng Lapu-Lapu katulad nga Movenpick at Shangri-La. Ang mga ito ay isa sa pinaka sikat na destinasyon sa Lapu-Lapu na dayuhan at tuluyan ng mga turista kapag Iron Man Triathlon.

baba5

 

Hindi matanggihan ang ganda ng tanawin, sarap ng hangin at ungol ng mga isda sa dagat. Kaya nagpahinga kami ng ilang mga minute doon bago kami pumunta sa susunod na lokasyon. Kumuha ng litrato para sa dokumentaryo at upang ibahagi sa mga kaibigan sa facebook.

 

baba6

Sa munisipyo naman kami ng Opon pumunta. Pumasok kami sa loob at nakita namin ang boung mapa ng Lapu-Lapu City. Lahat ng mga barangay matatagpuan dito, mga makasaysayang lugar, at mga bagay na sumisimbolo bawat barangay.

Sa aming paglalakbay sa aming kinagisnang lugar ay masasabi ko talagang lahat ng mga bagay ay may kasaysayan at isa ito sa pinagkukunan bilang turismo upang hindi makalimutan ang makabuluhang diwa nito. Ang mga resort sa Lapu-Lapu ay isa sa pondasyon ng isla kaya ito sikat at tinatangkilik dahil narin sa likas na yaman nito.

 

-VERDIDA, JENNY BABE HUMSS- LAW

A Day in a Life of Being an Oponganon: Paano Naging Historic Resort City ang Lapu- Lapu City(Lakbay Sanaysay)

Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t- ibang lugar na may magagandang tanawin at kwento na maituturo sa akin. Saan ko pa ba makikita ang isa sa mga pinakamagandang lugar sa Cebu? Hindi na ako lalayo pa, ang Lapu- Lapu City na kinilala rin bilang The Historic Resort City sa nakalipas na tatlong taon. Ipinagmamalaki ko na ako ay lumaki at nagka- isip sa lugar na ito. Ngunit sa labing- walong taon na paninirahan ko dito, hindi ko pa nalibot ang buong lugar kung kaya’t sa isang araw na paglalakbay, marami akong natuklasan na kapupulutan ng aral tungkol sa lugar at sa aking sarili.

angel1

Noong ika- tatlo ng Setyembre, taong kasalukuyan, nilibot ko kasama ng aking pangkat ang ilang bahagi ng Lapu- Lapu City. Mula Marigondon, Crossing kung saan kami nagkita- kita hanggang sa Mactan, Newtown kung saan nagsimula ang paglalakbay. Habang kami ay naglalakad ay makikita sa mga kalsada ang apat na tropikal na kulay sa mga pader at banderitas, kabilang na dito ang asul, dilaw, berde at kahel na sa aking pagkakaalam ay kumakatawan sa malakas na pagkakakilanlan ng mga Oponganons. Nang kami ay nakarating sa Mactan Shrine kung saan ginanap ang makasaysayang pakikipaglaban ni Lapu- Lapu kay Magellan, nahinuha ko kung paano naapektuhan ng makasaysayang pangyayari ang turismo ng lungsod sa kasalukuyan. Dahil dito, napagdesisyunan namin na bisitahin ang Engano, Mactan kung saan makikita ang sobrang habang linya ng mga hotels and resorts na maaring isa sa maraming dahilan kung bakit tinawag na Historic Resort City ang mismong lungsod. Ayon kay City Mayor, Paz Radaza, sa pamamagitan ng pagtataguyod ng sarili bilang “The Historic Resort City,” inaasahan ng lungsod na akitin ang mga bisita na interesado hindi lamang sa dagat, kundi pati na rin sa pamana ng ating mga ninuno sa atin. Ito raw ay sumasalamin sa isang kontemporaryong ngunit buhay na buhay na lungsod na puno ng kasaysayan.

angel2

Sa pagpapatuloy ng aming paglalakbay, pumunta kami sa Munisipyo ng Lapu- Lapu at doon namin natagpuan ang isang malaking mapa ng mga pamanang lugar. Balak sana naming puntahan ang bawat isa at alamin ang natatagong kwento sa likod nito ngunit sa dami, kukulangin kami sa oras at pera.

Sa huli, hinding- hindi ko malilimutan noong kami ay papunta sa isa sa mga publikong paliguan sa Engano, nakatagpo kami ng maliliit na bata na naglalaro sa talampas ng dagat, eskwater kung sila ay tawagin Hindi ko alam ang kwento ng kani- kanilang mga buhay ngunit dahil dito, nahinuha ko sa aking sarili na sa likod ng napakaganda at makasaysayang lungsod ay may mga nananatili pa ring naghihirap sa lipunan. Kahit naman ganito ang nararanas nila, sila ay may malaking kontribusyon sa pagkakakilalan ng lungsod, ang Lapu- Lapu City.

angel3

 

-PAQUIBOT, ANGEL GRACE HUMSS- LAW

Lakbay Sanaysay: Lakad Pabalik Kasaysayan para marating ang Kaginhawahan(Lakbay Sanaysay)

Marami sa ating kababayan ang gustong makapunta sa iba’t ibang kapuluan para makita ang kagandahan ng mundong kanilang ginagalawan. Hingil sa kanilang kaalaman ay marami pang tinatagong kasaysayan ang lugar na kanilang tinatayuan. Ang paglakbay namin sa Lapu-Lapu ang nakapukaw sa mga mata naming nakapikit sa kuwentong tinatago ng aming lugar.

julia1

 

Ang pangunahing lugar na aming pinuntahan ay ang Mactan Shrine. Kahit na marami nang nakakaalam ng lugar na ito at ang kanyang kuwento ay kaakitakit pa rin ang lugar sapagkat nadadama ng isang tao ang kasaysayang nakaukit sa lugar na para bang nakikita mo sa iyong mga mata ang mga nangyari sa nakaraan. Sa pag-ikot namin sa Mactan Shrine ay nakita namin ang Bahay ni Bulakna na noon ay itinawag na Bahay ni Gloria. Ang nabanggit na bahay ay sinasabing resthouse ng dating pangulong Arroyo kapag pupunta siya ng Cebu.

julia2

 

Ang marka ng kasaysayan ay makikita parin sa bawak hakbang ng paglibot. Ang mga bato at kahoy na ginamit para mabuo ang lugar ay nagsilbing simbolo sa katatagan at kasaganahan ng mga Oponganon sa kanilang kultura.

 

 

 

 

julia3

 

Pagkatapos ng aming paglalakbay sa Mactan Shrine ay napagdesisyunan ng lahat na pumunta sa lugar ng Punta Engano dahil ito ay puno ng mga resort na sadyang tumatatak sa isip ng mga dayuhan sa islang kinabibilangan natin.

 

 

Doon nami nakita kung bakit marami ang naakit sa Lapu – Lapu. Ang asul na tubig ng dagat, ang maaliwalas na kalangitan, at ang mga hiyaw ng mga ibon sa alapaap ay sadyang nangbibighani hindi lang sa mga turista kundi lokal rin.

julia7

 

Pagkatapos ng aming paglalakabay malapit sa katubigan ay napadpad kami sa sentro ng isla – ang city hall. Doon namin nakita na marami pa palang tinatagong tanawin ang Lapu-Lapu. Pansin rin na halos lahat nito ay may kaugnayan sa kasaysayan gaya ng Japanese Trench.

 

 

 

Ang pagiging historic resort ng isla ang nagpapatunay na ito ay karapat dapat sa kanyang reputasyon. Ang pagalam sa kasaysayan habang nagbabakasyon ang patunay na “mapapalaya mo ang sarili mo” sa isla ng Lapu-Lapu.

 

 

-MALATE, JULIA MARIE HUMSS- LAW

Lapu- Lapu: Historic Resort City(Lakbay Sanaysay)

jea1

“Paglalakbay, sa mas batang uri ay parte ng edukasiyon;
Sa pagtanda,ay bahagi ng karanasan.”-Francis Bacon

 

Paglalakbay ang siyang itinuturing na tulay sa pamamagitan ng kasalukuyan at nakaraan. Gayon man, upang mas makilala ang bayan na pinagmulan naglakabay kami ng aking mga ka-grupo sa isla ng tinaguriang “Historic Resort City”, ang Lapu-Lapu.

Ang Lapu-Lapu ay isa sa mga tinaguriang “urbanalized” na lugar na matatagpuan sa probinsya ng Cebu, Philippines. Kamakailan lamang, sa taong 2014 ay binigyang kilanlan ang Lapu-Lapu bilang isang “Historic Resort City” na nagdulot ng matinding pagdagsa ng mga turista na nagmula sa iba’t ibang kontinente sa mundo.

jea2

 

Kaya naman nilibot namin ang isla upang malaman ang kasaysayan sa likod nito na siguradong kakapulotan ko ng aral magpakailanman.

Kasama ang aking mga ka-grupo, naglakbay kami sa mga lugar na sakop ng Mactan na may mga kaakibat na kasaysayan,  na maaring magdala pabalik sa amin sa nakaraan at magiging gabay upang masagot ang aming katanungan, kung bakit itinuring na “historic resort” ang lugar.
Sa oras na 10:00 sa umaga, mula sa Crossing, Marigondon ay sumakay kami ng “multicab” papuntang Mactan Shrine. Mga 10-15 minuto ang iginugol namin sa pagbiyahe. Sa oras na pagtapak ko pa lang sa lugar ay sinalubong na agad ako ng hanging tila amoy dagat at ang tinding sikat ng araw.

Agad din kaming pumanhik sa ‘entrance’ na may nakagwardiyang pulis na sininsugarado ang kaligtasan at mapanatili ang kapayapaan. Ilang hakbang ay matatanaw ang monumento ng kilalang bayani na si “Lapu-Lapu” at ang Magellan Shrine na handog sa kaaway ni Lapu-Lapu na isang Portoguese na manlalakbay at mananakop na si Ferdinand Magellan.

 

MACTAN SHRINE, LAPU-LAPU CITY

 

(Lapu- Lapu Shrine)                         (Magellan Shrine)

Isa ito sa mga sikat na lugar na hindi dapat palampasin ng mga turista sa pagbisita sa Isla ng Mactan kung saan paniguradong ibabalik ang isang manlalakbay sa taong ika-60 siglo kung kailan nangyari ang pananakop ng mga Espanyol. Ang mga arkitekto ay na siyang mismong sumasalaysay sa mga pangyayari sa mga nagdaang taon ng pananakop, bawat detalye ng gusali ay may storyang dapat na bigyang pansin at ang kabayanihang nakapaloob sa monumento na dapat pagtuonan at yakapin.

 

Sino ba naman ang hindi nakakaalala sa pangyayaring naganap noong taong 1521 ng Abril 27? Ilang ulit na itong naging tanong sa pasulit sa asignaturang Araling Panlipuan kahit noong Elementarya pa. Naging parte na din ito ng lyrics sa sikat na kanta ni Yoyoy Villame.

“When Magellan visited in Mactan,

To christianize them everyone

but Lapu-Lapu met him on the shore

And drive Magellan go back home”

1521,  nangyari ang unang digmaan sa bansa sa pagitan ng mga katutubong Pilipino at sa mga mananakop na Espanyol. Pinamumunuan ito ng ng mabangis na Datu na si Lapu-Lapu. Isang digmaang gamit ang bolo at sibat laban sa mga baril at kanyon. Sa huli, hindi matagumpay na nasakop ang isla ng Mactan at naimarka ang pangyayaring ito hindi lamang sa aklat kasaysayan ngunit pati na rin sa puso at isip ng mga Pilipino.

jea5

 

Kaya naman, bilang paggunita sa kasaysayan sa Mactan, ipinagdadaraos tuwing ika-27 ng Abril ang “Kadaugan sa Mactan” upang isabuhay ang nangyaring pagwawagi ng mga katutubong Pilipino laban sa mga mananakop na Espanyol noong taong 1521.

 

WORLD-CLASS RESORTS SA PUNTA ENGANO

Mula Mactan Shrine, sumakay ulit kami ng “Multicab” tungong Punta Engano na tahanan ng mga nagsososyalang gusali. Inabot kami ng 5-10 minuto sa pagbabiyahe ngunit sulit naman pagkatapos matanaw ang naglalakihang mga resorts sa Lapu-Lapu, City. Maituturing ngang hindi lamang “Historic” ang lugar kundi nararapat ding tagawaging “Resort City”.

jea6

Hindi lamang sa makabulohang kasaysayan mayaman ang Lapu- Lapu kung hindi pati na rin sa mga naglalakihan, nagsososylan na iba’t ibang “world- class resorts” na kilala sa buong mundo. Dito palagihang ginaganap ang mga mabibigat na mga events gaya ng Iron Man 70.3 Triathlon at Ronda Pilipinas sa mga nagdaang taon. Dahil sa kakulangan ng badyet, hindi naman kaya ang  makapasok o makasilip man sa looban nito ngunit hindi makakailang makikita sa likuran ng aming litrato ang mga naglalakihang mga gusali na tanaw kahit sa malayo- layong distansiya. (Shangri- la Hotel, J-Park at iba pa ang isa sa mga halimbawa ng mga naglalakihang resorts.)

 

Pagkatapos muntikang malula ang mga mata ko sa mga nagatataasang resorts, nagpasya kaming lahat na pumunta sa Lapu-Lapu City Hall bilang panwakas sa aming lakbay. Dito nasulyapan ko ang mga lugar na bumubuo sa Lapu-Lapu City. Sa pagdaragdag, nalaman ko na hindi lamang makikita sa Mactan Shrine ang iba’t ibang kasaysayan ngunit pati na rin sa mga lugar na hindi masiyadong binibisita ng mga turista. Mahaba-habang listahan ito, kaya naman kung papalarin ay ikinagagalak kong lakbayin ito kahit isa-isa.

 

Bilang panapos sa aming paglalakbay, patuloy man umuusbong ang kultura at pagkakakilanlan ng mga tao sa komunidad ng Lapu- Lapu at napapaligiran man ang mga bahay ng nagtatasang gusali, hindi pa din nawawala ang ugali at larong Pinoy na hanggang nayon ay sumisimbolo sa pagkakakilanlan ng mga ‘Oponganons’. Ang pagkakakilanlan ng lugar bilang “Historic Resort City” ay ilang bese ng napatunayan, hindi na kailangang gumastos pa ng malaki upang malaman ang kasayasayan, sapagkat ang Lapu- Lapu ay pagiging bukas ng isipan ang puhunan. Isa itong makabuluhang paglalakbay.

 

-INOC, JEA HUMSS- LAW

 

Free Yourself(Lakbay Sanaysay)

Isang Lakbay Sanaysay tungkol sa ‘Paano naging Historic Resort ang Lapu- Lapu City’

20727609_1445537535534253_1640029874_o

Ang paglalakbay ay isang paraan upang tayo ay maging masaya, makapaglihis ng ating mga problema at sa sandaling oras ay makapagpahinga tayo sa magulong buhay na ating dinadaranas.

Sa aking paglalakbay kasama ang aking mga kaibigan at kagrupo ay isa ito sa pinakamasaya at hindi ko malilimutan na pangyayari sa buong buhay ko. Maliban nito, ay maraming mga katotohanang impormasyon tungkol sa Lapu- Lapu City na aking nalaman. Buong araw kaming naglibot at saktong pera lang ang dinal para sa gawin na paglalakbay. Kahit hindi nakipagsang-ayon ang panahon ay tuloy parin ang paglilibot.

Ika-tatlo ng Septyembre 2017, niliboot namin ang halos buong Lapu- Lapu City para aming makita at matutukan kung ano ang mga lugaw na iyon. Nagkita kami ng aking mga kagrupo sa Marigondon Crossing para sabay sabay kaming pupunta sa aming destinasyong pupuntahan. Ngunit, bago namin sinimulang ang paglilibot ay inihanda namin kung saaan ang unang pupuntahan at napagdesisyonan namin na sa Mactan Shrine ito.

Pinuntahan namin ang Mactan Shrine dahil iyo ay isang sikat na Historical Heritage ng Lapu- Lapu City. Doon natin makikita ang rebulto ni Lapu- Lapu na nagsisilbing sariling katapangan sa paglaban kay F. Magellan. Tuwing Abril ay tradisyunal na isinigawa ang “battle of Macta” para maipakita sa mga tao kung ano ang nangyari sa labanan nilang dalawa.

Pagkatapos, napag-isipan namin na pupunta sa lugar na kung saan kaliwa’t kanan natin makikita ang mga resorts, hotels, ito ay sa Engano, Mactan. Dahil dito maraming turista ang naglilibot sa lungsod tulad ng mga Koreans, Americans, Japanese at marami pang iba. Napapalibutan ang lungsod na mga kadagatan kaya nahuhumali ang mga turista dahil sa angkit na kagandahan nito.

Masasabing Historic Resort ang lungsod dahil una; ito ay nagpapakita ng historical background tulad ng labanan ni Lapu- Lapu at Magellan. Ito ay nakatatak sa isipan ng mga Oponganons( mga taong nakitira sa Lapu-Lapu City) na ito ay nagsisilbing simbolo sa lungsod. Hindi lang nalilimita sa labanan ni Lapu- Lapu at Magellan, may mga lugar na ito ay makabuluhan sa kasaysayan. Tulad ng mga simbahan at mga sinaunang lugar. Pangalawa; ito ay isang urbanisadong lungsod na binubuo ng mga factories(MEPZ), resorts & hotels at Airport. Kahit saan ka pupunta sa lungsod ay makikita mo na ito ay pinapalibutan ng kadagatan at isla. Hindi taliwas sa mga taong nagsusumikap na pangalagaan ang mga ito ay nagbibigay benepisyo at kalamangan para sa mga tao.

Marami pang mga lugar sa Lapu- Lapu City ang hindi pa natuklasan at nabigyang pansin. Hindi na kailangang maglakbay ng malayo para makakita lang ng magandang tanawin, merong Lapu- Lapu City na atin gustong puntahin. Kaya ano pang hinihintay niyo? Tara na!

“Come to Lapu- Lapu and FREE YOURSELF!”

 

-GAVIOLA, JOSETTE HUMSS- LAW

Lakbay Sanaysay sa Historic Resort City -Lapu-Lapu City(Lakbay Sanaysay)

Ang Lapu-Lapu City, Cebu ay mayaman sa kasaysayan ng  Pilipinas dahil dito nagmula si Datu Lapu-lapu na siyang unang Pilipino na tumalo at nagtaboy sa mga mananakop na Espanyol noong ika-15 na siglo. Ang Lapu-Lapu City ay ipinangalan mula kay Datu Lapu-Lapu, ang unang bayani ng Pilipinas.

 

Matatagpuan sa Lapu-Lapu City ang Mactan Shrine na nagbibigay karangalan kay Datu Lapu-Lapu sa kaniyang  nagawa para sa Pilipinas. Ang Mactan Shrine ay isang patunay na hindi nakakalimutan ng mga Pilipino ang nagawa ng kanilang unang bayani para sa kanila.

Pagpunta namin sa Mactan Shrine ay talagang malinis ang paligid, inaalagaan talaga ng gobyerno ng syudad ang lugar. Dinarayo rin ito ng mga turista dahil sa angking ganda ng kultura ng Pilipino na matatagpuan dito at kung ano sila noon at ngayon.

Ang dahilan kung bakit tinaguriang ‘Historic Resort City’ ang Lapu-Lapu City ay  dahil maraming matatagpuang  mga tabing dagat na malinis at pwedeng liguan ng libre ng mga tao at dito nagsimula ang unang kabayanihan na nagpaalis sa mga mananakop na Espanyol sa bansa.

 

Ang lugar na ito ay matatagpuan sa Punta Engano, Lapu-Lapu City, kami ay nasa isang maganda, mapayapa at malinis na dalampasigan. Sa likod namin ay ang mga magagandang Hotel at Resort na dinarayo ng mga banyagang turista kapag sila ay nagbabakasyon sa Historic Resort City.

Marami pang mga lugar ang matatagpuan at pwedeng pasyalan sa Lapu-Lapu City. Sa katunayan, kapag gusto ng isang tao na malaman ang iba’t-ibang mga makasaysayang lugar sa syudad ng Lapu-Lapu ay mayroong mapa na matatagpuan sa Munisipyo ng syudad.

 

Kaya kapag gustong pumasyal, makapunta, at tumuklas ng mga bagong kawili-wiling lugar sa Pilipinas ay pumunta sa syudad ng Lapu-Lapu na matatagpuan sa isla ng Cebu. Hinding-hindi kayo magsisisi sa pagpunta niyo dito dahil marami kayong matututunang mga bagong kaalaman tungkol sa ating bansang Pilipinas.

 

-AMOIN, JOSEPH ANGELO HUMSS- LAW

Sintesis sa Alamat ng Gubat ni Bob Ong(Sintesis)

Sintesis sa Alamat ng Gubat ni Bob Ong

Ipinapalagay sa pag- aaral na ang katiwalian na nangyayari tuwing kampanya sa eleksyon sa Pilipinas patungo sa paghahalal hanggang sa pagtatalaga ng isang lider ng bansa ay may pagkakatulad sa kwentong Alamat ng Gubat ni Bob Ong.

Bago ganapin ang pagluluklok ng bagong lider na uupo sa posisyon, bahagi na ng proseso na dadaan muna sa pangangampanya ang mga politiko upang makuha ang loob ng karamihan. Maaaring maging sa iba’t ibang paraan patunayan ng mga kandidato sa mga tao ang karapatan sa termino, kabilang dito ang mga plataporma kung saan ilalatag ang mga pangakong gagawin kapag nakaupo na sa termino. Ang ganitong pangyayari sa mundo ng politika ay maihahambing sa isang eksena sa Alamat ng Gubat ni Bob Ong kung saan matagumpay na minapula ng kuneho ang desisyon ng mga langgam sa pamamagitan ng imoral at di-matuwid na mga paraan.

“Sa pagkakataong iyon, naghagis si kuneho ng isang malaking tipak na tae sa kanyang harapan at nagsabing: “Downpayment pa lang yan sa mga boboto sa akin!” Gaya ng inaasahan, dagsang lumapit ang mga langaw sa kanyang kampo sa isang kisapmata.”

Kung ang batayan ay ang tatlong presidential debates na ginanap noong 2016, walang makikita na pangakong bago para sa bayan, “Pauunlarin ko ang bansa, iaangat ko ang mga mahihirap na kababayan…” (Verzola, “Pangako ng Politiko, Napapako Pa Rin” p3.). Bawat isa sa mga kandidato ay isinasaad ang kani- kanilang mga solusyon at plano, ngunit sa maraming dekada nang naririnig ang mga katagang ito. Hitik sa mga pangako at maging ng mga patutsada na nais lamang palitan ang administrasyon. Marahil, dahil dito, may kapangyarihan na, may nakukuha pang yaman. Sa madaling salita, natutukso ang mga kandidato sa maaaring makuha at mapakinabangan sa oras na makuha ang posisyon kaya’t sa abot ng makakaya, bumibitaw ng pangako ngunit sa huli, hindi ito pinapanindigan. Kagaya ng pangako ni Pagong, isa sa mga tauhan sa kwentong Alamat ng Gubat ni Bob Ong, na ipaubaya nalang ang puso ng saging kay Tong ngunit hindi napigilan ang sarili dahil sa kasakiman, kung kaya’t napako ang pangakong makapagsilbi sa karamihan.

“Di nagpatalo sa pagmamagandang loob, sumingit si Pagong sa ilalim ni Tong at Aso, “YamanDinLamangAtHindiAkoNapiliBilang- HariNgGubatHayaanNiyoNangMakapagsilbi- AkoSaMgaHayopKahitManLangSaPagkakataongIto… Sandali, sandali! BakaNandyanSiBuwayaSa- ItaasNgPunoAkoNalangAngPipitasNgPrutasKuneho…”

Marami sa mga politiko ang walang kaibahan kina Adan at Eba sa Paraiso. Pare- pareho lamang natutukso at nagpapatukso na sa kalaunan, siya rin mismong nagiging tukso sa huli. Ngunit kapag nagkakabukingan na, ginagaya sina Adan at Eba, nagtuturuan sa kasalanang nagawa (Remate, “Away ng mga Buwaya sa Away Pulitika”). Ang malungkot isipin ay ang kasakiman ng iilang lider ng bansa ay nagdudulot ng kawalan para sa karamihan. Ang kawalan ng hustisya na makakain tatlong beses sa isang araw, magkaroon ng ligtas at maayos na tirahan, makapag- aral ng mabuti, ang karapatang malaman kung ano ang karapatan ng bawat isa. Alam ng lipunan na ang lahat ng mga kandidato ay walang kaibahan sa isa’t-isa. Ang nais lamang nila ay umupo sa pwesto para lalo pang magpayaman gamit ang kapangyarihan. Pero walang nagawa ang kanilang mga kampanya at plataporma kung saan sa simula’t- mula pa lamang ay ang layunin ay hindi para sa kabutihan ng mga tao kundi alang- alang sa mga sarili. Makikita rin kung paano kinakatawan ng mga tauhan sa kwento ang mga sakim at malupit na mga tao mula sa pelikula, kagaya nalang nang mag- agawan ang mga hayop sa pagkuha ng pusong ng saging kung saan sa huli, bumagsak sila at walang nakuha.

“Umakyat si Tong at tinungtungan si Pagong. Pero umakyat na rin si Aso para tuntungan ulit si Tong… na sinundan naman ni Kuneho… na sinundan naman ni Pagong… na sinundan naman si Sadamm.. na sinundan naman ni Tong… na sinundan ng pagbagsak nilang lahat.”

Samakatuwid, ang mga tao ay tanging instrumento lamang upang makuha ang kapangyarihan na inaasam- asam mula sa itaas. Sa pagkakataong ito ay dapat maging mapanuri sa mga sasabihin ng mga kumakandidatong pulitiko sa bayan. Paulit-ulit ang mga pangako na isinasaad dahil hindi naman ito nagagawa pagkatapos ng eleksyon. Kung nais gumawa ng bagong mahahalal na pangulo ng isang pagbabago sa termino ay maaari niyang simulan sa pamamagitan ng paglutas sa problemang ito ng transportasyon. Maaari din silang mag-alok ng mga trabaho na matiyak ang pang-araw-araw na pinansiyal na usapin ng isang indibidwal upang mabawasan ang mga isyu sa lipunan na kinakaharap ng bansa. Ang sakit ng maraming pulitiko sa Pilipinas ay ang pag- iisip at pagtanaw sa sarili bilang Diyos na may kapangyarihan na basta kayang gawin ang ipinangako nang walang basehan at paliwanag. (Tulfo, “Kongkretong Plataporma Para Sa Bayan.”) Sa huli, ang lahat ang nagagantso kapag nakaupo na ang mga di- makatuwiran na mga politiko. Ang mga pulitiko ay kailangang palitan nang madalas at para sa parehong dahilan. Alamin kung ano ang balak ng mga kandidato para guminhawa ang buhay ng bawat nagbabayad ng buwis at magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga Pilipino. Dapat isandal ang pagdedesisyon batay sa kung ano ang nais ng Pilipino para sa sariling bansa.

 

-PAQUIBOT, ANGEL GRACE HUMSS- LAW

Sintesis sa kwentong Alamat ng Gubat ni Bob Ong(Sintesis)

Pinapalagay sa kwento ang pagkabuo ng pagkatao ni Tong sa pamamagitan ng pakikipagsapalaran sa gubat. Nagpapakita ito ng pagtuklas sa iba’t-ibang aspeto ng humanidades. Sinumulan ng may-akda ang pagkilala sa misyon ng pangunahing tauhan sa kwento na hanapin ang puso ng saging upang panlunas sa sakit ng amang Talangka. Tinahak ang daan ng walang alam sa tamang destinasyon ngunit paano kaya namulat si Tong sa mga bagay sa paligid at sa pakikipag-usap sa ibang karakter sa kwento? Simula pa sa sinaunang bahagi ng kwento, ginampanan na ng mga karakter sa paligid ang pagtugon ng pangangailangan sa isa’t-isa. Ang transaksiyon sa pagitan ng buwaya at ni Tong. Ang bidang si Tong ay sumisimbolo sa kabataan na bulag sa totoong nangyayari sa lipunan. Ang pagiging bata ni Tong ay naghahanap ng tunay na kahulugan ng lipunang ginagalawan. Nagsimulang pasibo at inosente ngunit sa pagtahak niya sa gubat, katulad ng tao ay may hinahanap na sagot sa problema. “Ayon sa ASEAN Children’s Forum (ACF) at Child Rights Coalition, ang partisipasyon ng mga bata ay isang karapatang pantao. Ito ay nakalahad sa Convention on the Rights of the Child (CRC) , kung saan ang ating bansa ay isa sa mga signatories o nagsipaglagda. Ayon nga sa Article 12 at 13 nito, dapat masiguro ng mga estado ang karapatan ng mga bata na kaya ng bumuo ng kanilang mga ideya at opinyon na malayang maibahagi ang kanilang mga pananaw. Dapat ding masiguro ang mga estado ang kalayaan ng mga bata na maghanap, tumanggap at magbigay ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pagsulat, pagsasalita, sining o sa kahit ano pang paraan o medyum na nais nila.” (Pascual, p1 “Balita Online”) Sa kaso ni Tong ay kahit bata pa lamang ay ito na mismo ang naghanap ng gamot para sa amang may sakit hingil sa dapat ang mas matanda ang gagawa nito at walang sapat na kaalaman ang bata sa mga bagay sa paligid. Tungkol sa pagbuo ng pagkatao ng isang bata ay basic pa lamang ang natutunan; kung may nanghihingi ay bibigyan kaagad, kung inuutusan ng magulang ay gagawin kaagad. Dahil dito, ang ibang tao rin minsan ay pinagsasalamantahan at inaabuso ang kakayahan ng mga bata at ginagamit ang kakulangan para makuha ang gusto nila. Isa narin dahil sa musmos na gulang bilang respeto ay sumunod ito sa utos sapagkat nabilog ang ulo nito sa paniniwalang binitawan ng buwaya bilang isang “hari sa kagubatan”. Ngunit sa huli ay muntik pa itong napahamak.

Patuloy parin sa paghahanap ng solusyon si Tong. Malayo-layo na ang natakbo dahil sa takot at nakasalamuha na naman ng ibang hayop sa gubat. Marami ang nasayang na oras, hindi parin alam ni Tong kung ano ang sasapitin sa pusod ng kagubatan kaharap ng dambuhalang bangungot. Kaya bumalik ulit ito sa pag-iisip at sa misyon na dapat pagtuonan. Sa pagtanong ulit ni Tong kung saan kumuha ng puso ng saging sa mga hayop, nakapukos parin ang atensyon nito at sinunod ang sinabi ng leon. Sa pangalawang pagkakataon, nililo na naman ng nasabing hayop si Tong at pinaniwala sa kasinungalingan. Nagkaroon ng ugnayan ang mga ito dahil sa kanya-kanyang pangangailangan. At ang interaksiyong ito ay bumubuo sa pagkatao at pagiging indibidwal ni Tong na unti-unting naintindihan ang sitwasyon sa gubat. Pagkatapos ay nasalamuha ni Tong ang alyansa ng mga insekto sa gubat. Narinig ang iba’t-ibang panayam tungkol sa isyu ng pamumuno sa lugar.

“Mahalagang maunawaan ng tao mula sa perspektibong ito na nagbibigay puwang sa kaugnayan niya sa kanyang pinag-gagalingang lipunan at kalinangan. Ito ay dahilan na ang indibidwal ay nakikibahagi sa iba pang mga tao sa kanyang kapaligiran ng mga ideya, halagahin ng kung ano ang tama at mali at maging ng konsepto ng mga bagay o pangyayari sa paligid niya.” (Valsiner, p 54) Ang interaksiyong nabuo rin sa mga nag-aalyansa ay tumutulong sa bawat insektong bumubuo sa lipunan upang mag-ugnayan at magsa-ayos ng kanilang buhay na isa ang pinaninindigan o adbokasiya. Nasubaybayan ni Tong ang nangyayaring botohan sa gubat kung sino ang magiging hari. Maraming kaganapan ang nangyari, kanya-kanyang diskarte at debate sa partido ng mga hayop at insekto. Nagmamasid lang si Tong at naghihintay sa susunod na mangyayari kagaya ng mga kabataan ngayon na wala masyadong pakialam sa mga nangyayari sa paligid. Tulad rin sa totoong buhay ay mayroon ding kinatatakutan ang mga tao dito sa mundo kaya sa pagdating ng leon sa kwento habang may eleksyon ay kumaripas kaagad ang mga hayop ng takbo. Napagtanto na ni Tong ang pangyayari dahil sa tulong ng mga kapwa hayop kaya pinatatag pa ito ang loob upang hanapin ang puso ng saging. Nagtulungan pa sila sa pagkuha nito at sa huli ay nabigo rin.

Kung susuriing mabuti, tila may baligtarang relasyon ang lipunan at ang indibidwal. Sa loob ng mga lipunan o grupo nagkakaroon ng ang mga tao kung saan nabubuo ang sistema ng kanilang pakahulugan. Hinuhubog naman ng mga pakahulugang ito at tinutulungan ang bawat tao kung paano dapat makipag-ugnayan sa loob ng lipunan. At ang mga nabuong pakahulugang ito ang humuhugis at nagdidikta sa kilos, reaksyon. Isipan at damdamin na dapat ay naiintindihan din ng sinumang kabahagi sa grupong iyon. (Shweder, p78) Napagtanto ni Tong sa pangyayaring iyon na kinailangan talagang bususihin ang wastong kahulugan ng mga aksyong ginagawa sa paligid. Umabot rin sa eksenang dumating ang kapatid ng talangka at doon lumabas ang tunggalian nila sa isa’t-isa. Nag-aaway ang dalawa kung sino ang karapat dapat kilalanin sa pamilya ngunit wala ring patutunguhan ang labanan sa pagitan ng mga talangka. Nalaman pa ni Tong na ginagamit rin ang kanyang kakayahan at bilang anak ng ama upang makuha ang kapangyarihan sa puso ng saging.


Kasabay ng pagkawala ng kaibigang si Ulang ay napagnilayan ni Tong ang mga pangyayari sa kanyang buhay. Ang masasayang ala-ala kasama ang mga mahal sa buhay at ang paglalakbay patungo sa pagkuha ng puso ng saging. Aktibong nahulma ang buhay ni Tong mula sa tahanan pamunta sa komunidad na ginagalawan. Maraming balakid lalo na sa mga tao sa paligid na hindi makontrol ang kilols ng bawat isa.
Ang isyu sa kahirapan ang isa sa problema din ng kwento. Ang mga karakter ay may kani-kanilang pangangailangan na hindi natustusan ng awturidad kaya naghahari ang iba. Dahilan kung bakit laksa-laksang insekto ang nagprotesta makuha lang ang hustisya.

May mga panahon na sumasabay ang swerte at kahirapan at dito sumusubok ang kakayahan ng isang tao kung paano nilalabanan ang mga sitwasyong ito. Kagaya ni Tong ay patuloy parin ang pakikipagsapalaran sa gubat at dumating sa kanyang isipan na dapat kumilos na talaga tungo sa pagbabago at kaunlaran ng kagubatan. Kung walang gagawa, sino pa? Hanggang kailan pa magsisimula, kapag huli na ang lahat at tapos nang mangyari ang mga bagay na di mawari?


Lahat ng tao nag-iiba at iba ang perspektibo sa buhay kung kaya’t lahat ay konektado lamang. Hindi pagkilala sa pinanggaliang, ay kinailangan magkaintindihan ang bawat isa. Hindi dapat titigil sa paghanap sa totoong kahulugan ng buhay dahil isa ito sa susi upang mamulat sa realidad na nangyari sa lipunan. Katulad ng Alamat ng Gubat ni Bob Ong, sa huli ay matatamasa ng bawat isa sa kasiyahang pinaghirapan at pinagsikapan at hindi ito mapapalitan ng ano mang kayamanan.

 

REPERENSIYA:
http://balita.net.ph/2016/04/03/karapatan-ng-mga-kabataan/
http://www.academia.edu/5344711/Isang_Pag-aaral_sa_Konteksto_at_Katangian_ng_Kasiyahan_ng_mga_Kabataan

 

-VERDIDA, JENNY BABE HUMSS- LAW

Legalisasyon ng Same-Sex Marriage sa Pilipinas(Posisyong Papel)

“Same-sex marriage” ay isang legal na pagpapakasal ng magkaparehas na kasarian, hindi lang sa mata ng tao ngunit pati na rin sa mata ng batas. Isa ito sa mga isyung panlipunan na dapat na binibigyang pansin ng lahat sapagkat talamak na ang legalisasyon nito sa mga karatig na lugar. Kaya naman, ang pagnanais ng LGBT Community na makilala ang indibidwal at sosyal na karapatan ay lubhang lumalaki at tumataas tungo sa legalisasyon ng Same-Sex Marriage na siyang tinutulan ng simbahan at makapilipinong lipunan.

Ang Pilipinas ay lubos na binibigyang halaga at paggalang ang karapatan ng mga “homosexual” sa bansa kaya malaya ang lahat ng kasapi sa LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender Community) na maipahayag ang kagustahang ipatupad na sa bansa ang kasal ng parehong kasarian ngunit, ang pagnanais na maisulong ang Same-Sex Marriage ay ibang usapan na; maaring magdudulot ito ng malaking dagok sa Simbahang Katoliko at pagkasira sa kahulugan ng isang tradisyonal na pamilya.

Una, binbuo ang malaking populasyon ng bansa ng mga Katoliko kaya naman isa itong malaking insulto sa simbahan. Sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ginanap, sinabi ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na labag ang same sex marriage sa kagustuhan ng Diyos dahil babae at lalaki lamang ang dapat na ikasal.Labag din umano hindi lang sa “natural law” kundi pati sa “Canon Law” ang pagpapakasal ng parehong lalaki at babae sa Simbahang Katoliko.

Pangalawa, ang papel ng kasal ay upang magbunga ng anak at magsimula ng pamilya, na may ina at ama sa isang tahanan na kinikilala. Kaya naman, ang magkasintahang pareho ang kasarian ay kailan may hindi makakamit ang ganitong pangangailangan.

Ayon sa SWS Survey na ginawa noong nakaraang Mayo 2015, 7 sa 10 Pilipino ang hindi sang-ayon sa pagpapatupad ng Same-sex Marriage dahil una, labag ito sa batas ng Diyos at maging batas moral ng tao.

Sa pagdaragdag, malaya ang isang kasapi ng LGBTQ na magpahayag ng saloobin sapagkat ito ay isang karapatang pantao, ngunit ang pagdawit sa seremonyas ng “Kasal” ay kailanma’y hindi tanggap ng simbahan at lipunan. Ang pagnanais ng isang organisasyon o indibidwal na maging legal ang Same-sex Marriage ay higpit sinasang-ayonan. Bukod dito, ang mga taong kasapi sa 52 porsyento (52%) na hindi sang-ayon ay nag-iisip din na ang pag-legal nito sa batas ay walang epekto sa lipunan, samantalang 40% ay naniniwala na ito ay makakapagbigay ng masamang dulot sa lipunan.

Sa huli, hindi ito ang tamang panahon upang maging legal ang Same-sex Marriage sa bansa. Maraming kahaharapin na pagsubok, sapagkat ang isip at puso ng mga Pilipino ay hindi pa bukas sa ganitong usapin. Hindi kinokondena ng bansa ang LGBTQ ngunit hindi nangangahulugang sasang-ayonan ng batas at simbahan ang Same-sex Marriage. Ayon kay Presidente Rodrigo Duterte, “Katoliko tayo” at ang konsepto ng Same-sex Marriage ay angkop lamang sa mga Kanluraning bansa.

 

-Group B(Inoc, Paquibot, Verdida)

Ang Pagturo ng Wikang Korean sa Senior High School: Ang Pagkilala at Paglimot(Posisyong Papel)

“Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda.” Isa ito sa mga pinakasikat na linya ng ating bayani na si Jose Rizal. Ang pagtatangkilik ng iba’t-ibang kultura, tradisyon at wika ay maaari itong magdulot ng kasamaan o kabutihan ng isang bansa. Tulad rito, ang pagkalimot ng bansang kinagisnan dahil ito ay sobrang nahuhumaling sa ibang kultura na ginugustuhan.

Ika- 21 ng Hunyo, pormal na isinigawa ang pagpapatupad ng Korean Language in the Special Program in Foreign Laguages(SPFL) sa lahat ng pampublikong paaralan ng Pilipinas. Ayon ni Leonor Briones (Education Secretary),  “Ito ay hindi isang simula. Ito ay isang pagpapatuloy ng napakahabang taon ng mabungang relasyon, kabilang ang larangan ng edukasyon, sa pagitan ng Korea at Republika ng Pilipinas.” Pinirmahan ito ni Briones ang memorandum of agreement kasama si Ambassador Kim Jae-Shin, dagdag nito;  “Ang pagtuturo at pag-aaral ng mga wikang banyaga sa mga paaralan ay nakakatulong upang mapalalim ang pag-unawang bilateral sa pagitan ng dalawang bansa o kultura.”

Ginawang instrumento ang pagturo ng Korean Language sa bansa upang mas mainam na bantayan ang larangan ng turismo. Dahil dito, mas madali itong makapag-usap sa mga banyaga at mas produktibo ang pakikipagpanayam. Ngunit, nawalala na ang totoong kahulugan ng sariling wika at kultura.

Katulad ng ang kahiligan ng mga Pilipino ay nagbago sa larangan musika, pelikula at iba pang aspeto ng sining. Imbes na Original Pinoy Music(OPM) ang maririnig, puro na Korean lyrics ang nangingiibabaw. Sa simpleng pag-impluwensiya ng mga ito ay naaapektuhan ang personalidad ng mga Pilipino. Dahil dito, hindi na naisabuhay ang sariling kultura na kinagisan.

Mababawasan lang ang pagbibigay ng halaga ng mga Pilipino sa wikang Filipino dahil sa pagtangkilik sa mga banyagang wika na sa halip na mag-aral ng Korean ang mga mag-aaral na Pilipino ay mas mainam na ipagyaman at ituro ang wikang Filipino mapangalagaan at mapayaman ang ating pambansang wika. Ika nga ni Antonio P. Contreras, “Tunay ngang nakapanlulumo na hanggang sa ngayon ay marami pa tayong pinagdaraanang hidwaan at bangayan para manahan ang isang wikang pambansa sa ating kamalayan.” Dagdag rin niya, “… mapapaisip ka lalo kapag malaman mo na ang mga pag-aalinlangan ay nakikita lamang sa mga elitistang uri, o sa mga uring intelektwal o nagpapaka-intelektwal, at hindi sa kamalayan ng ordinaryong mamamayang sanay na na manood ng TV na nasa wikang Tagalog pa nga, at hindi Filipino.” Sabihin man na may mga matututunan ang mga mag-aaral sa pag-aaral ng wikang korean ay di parin sapat na dahilan para ipatupad ang wikang Korean sa Senior high. Sabi nga ni Contreras, “Dapat pa ngang makipagtulungan ang mga aktibistang rehiyonalista sa labang ito, dahil sa iisang panig lang lahat tayo. Malinaw na kapag mawalan ng lugar ang wikang Filipino sa pagbubuo ng kamalayang pambansa, mawawalan din ng lugar ang mga wikang rehiyonal na makapag-ambag sa kabuuan ng kamalayang ito. Sa isang sistemang global, mawawala at lalamunin tayo sa ating pagkawatak-watak.”

Ang pagtangkilik ng sariling kultura, tradisyon at wika ay dapat maisasabuhay ng isang Pilipino. Kahit sa simpleng paraan ng pagtangkilik ay malaking hakbang para maitaguyod ito. Puwede namang tumangkilik sa ibang wika pero dapat isaisip na huwag kalimutan ang sariling wika. Dapat ibalanse ang mga wikang tinutunan at ang lahat ng mga bagay.

 

Mga Babasahing Tinukoy:

http://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/621945/filipino-o-ingles-ano-ang-dapat-na-gamitin-sa-pagtuturo-sa-mga-paaralan/story/

kwf.gov.ph/wp-content/uploads/…/Isang-Sariling-Wika-Filipino.pdf

http://www.gmanetwork.com/news/opinion/content/376423/filipino-ang-pambansang-wikang-dapat-pang-ipaglaban/story/

 

Group A(Amoin, Gaviola, Malate)