Posisyong Papel

Group A(Amoin, Gaviola, Malate)

Ang Pagturo ng Wikang Korean sa Senior High School: Ang Pagkilala at Paglimot

 

“Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda.” Isa ito sa mga pinakasikat na linya ng ating bayani na si Jose Rizal. Ang pagtatangkilik ng iba’t-ibang kultura, tradisyon at wika ay maaari itong magdulot ng kasamaan o kabutihan ng isang bansa. Tulad rito, ang pagkalimot ng bansang kinagisnan dahil ito ay sobrang nahuhumaling sa ibang kultura na ginugustuhan.

Ika- 21 ng Hunyo, pormal na isinigawa ang pagpapatupad ng Korean Language in the Special Program in Foreign Laguages(SPFL) sa lahat ng pampublikong paaralan ng Pilipinas. Ayon ni Leonor Briones (Education Secretary),  “Ito ay hindi isang simula. Ito ay isang pagpapatuloy ng napakahabang taon ng mabungang relasyon, kabilang ang larangan ng edukasyon, sa pagitan ng Korea at Republika ng Pilipinas.” Pinirmahan ito ni Briones ang memorandum of agreement kasama si Ambassador Kim Jae-Shin, dagdag nito;  “Ang pagtuturo at pag-aaral ng mga wikang banyaga sa mga paaralan ay nakakatulong upang mapalalim ang pag-unawang bilateral sa pagitan ng dalawang bansa o kultura.”

Ginawang instrumento ang pagturo ng Korean Language sa bansa upang mas mainam na bantayan ang larangan ng turismo. Dahil dito, mas madali itong makapag-usap sa mga banyaga at mas produktibo ang pakikipagpanayam. Ngunit, nawalala na ang totoong kahulugan ng sariling wika at kultura.

Katulad ng ang kahiligan ng mga Pilipino ay nagbago sa larangan musika, pelikula at iba pang aspeto ng sining. Imbes na Original Pinoy Music(OPM) ang maririnig, puro na Korean lyrics ang nangingiibabaw. Sa simpleng pag-impluwensiya ng mga ito ay naaapektuhan ang personalidad ng mga Pilipino. Dahil dito, hindi na naisabuhay ang sariling kultura na kinagisan.

Mababawasan lang ang pagbibigay ng halaga ng mga Pilipino sa wikang Filipino dahil sa pagtangkilik sa mga banyagang wika na sa halip na mag-aral ng Korean ang mga mag-aaral na Pilipino ay mas mainam na ipagyaman at ituro ang wikang Filipino mapangalagaan at mapayaman ang ating pambansang wika. Ika nga ni Antonio P. Contreras, “Tunay ngang nakapanlulumo na hanggang sa ngayon ay marami pa tayong pinagdaraanang hidwaan at bangayan para manahan ang isang wikang pambansa sa ating kamalayan.” Dagdag rin niya, “… mapapaisip ka lalo kapag malaman mo na ang mga pag-aalinlangan ay nakikita lamang sa mga elitistang uri, o sa mga uring intelektwal o nagpapaka-intelektwal, at hindi sa kamalayan ng ordinaryong mamamayang sanay na na manood ng TV na nasa wikang Tagalog pa nga, at hindi Filipino.” Sabihin man na may mga matututunan ang mga mag-aaral sa pag-aaral ng wikang korean ay di parin sapat na dahilan para ipatupad ang wikang Korean sa Senior high. Sabi nga ni Contreras, “Dapat pa ngang makipagtulungan ang mga aktibistang rehiyonalista sa labang ito, dahil sa iisang panig lang lahat tayo. Malinaw na kapag mawalan ng lugar ang wikang Filipino sa pagbubuo ng kamalayang pambansa, mawawalan din ng lugar ang mga wikang rehiyonal na makapag-ambag sa kabuuan ng kamalayang ito. Sa isang sistemang global, mawawala at lalamunin tayo sa ating pagkawatak-watak.”

Ang pagtangkilik ng sariling kultura, tradisyon at wika ay dapat maisasabuhay ng isang Pilipino. Kahit sa simpleng paraan ng pagtangkilik ay malaking hakbang para maitaguyod ito. Puwede namang tumangkilik sa ibang wika pero dapat isaisip na huwag kalimutan ang sariling wika. Dapat ibalanse ang mga wikang tinutunan at ang lahat ng mga bagay.

 

Mga Babasahing Tinukoy:

http://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/621945/filipino-o-ingles-ano-ang-dapat-na-gamitin-sa-pagtuturo-sa-mga-paaralan/story/

kwf.gov.ph/wp-content/uploads/…/Isang-Sariling-Wika-Filipino.pdf

http://www.gmanetwork.com/news/opinion/content/376423/filipino-ang-pambansang-wikang-dapat-pang-ipaglaban/story/

 

 

 

Group B(Inoc, Paquibot, Verdida)

Legalisasyon ng Same-Sex Marriage sa Pilipinas

“Same-sex marriage” ay isang legal na pagpapakasal ng magkaparehas na kasarian, hindi lang sa mata ng tao ngunit pati na rin sa mata ng batas. Isa ito sa mga isyung panlipunan na dapat na binibigyang pansin ng lahat sapagkat talamak na ang legalisasyon nito sa mga karatig na lugar. Kaya naman, ang pagnanais ng LGBT Community na makilala ang indibidwal at sosyal na karapatan ay lubhang lumalaki at tumataas tungo sa legalisasyon ng Same-Sex Marriage na siyang tinutulan ng simbahan at makapilipinong lipunan.

Ang Pilipinas ay lubos na binibigyang halaga at paggalang ang karapatan ng mga “homosexual” sa bansa kaya malaya ang lahat ng kasapi sa LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender Community) na maipahayag ang kagustahang ipatupad na sa bansa ang kasal ng parehong kasarian ngunit, ang pagnanais na maisulong ang Same-Sex Marriage ay ibang usapan na; maaring magdudulot ito ng malaking dagok sa Simbahang Katoliko at pagkasira sa kahulugan ng isang tradisyonal na pamilya.

Una, binbuo ang malaking populasyon ng bansa ng mga Katoliko kaya naman isa itong malaking insulto sa simbahan. Sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ginanap, sinabi ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na labag ang same sex marriage sa kagustuhan ng Diyos dahil babae at lalaki lamang ang dapat na ikasal.Labag din umano hindi lang sa “natural law” kundi pati sa “Canon Law” ang pagpapakasal ng parehong lalaki at babae sa Simbahang Katoliko.

Pangalawa, ang papel ng kasal ay upang magbunga ng anak at magsimula ng pamilya, na may ina at ama sa isang tahanan na kinikilala. Kaya naman, ang magkasintahang pareho ang kasarian ay kailan may hindi makakamit ang ganitong pangangailangan.

Ayon sa SWS Survey na ginawa noong nakaraang Mayo 2015, 7 sa 10 Pilipino ang hindi sang-ayon sa pagpapatupad ng Same-sex Marriage dahil una, labag ito sa batas ng Diyos at maging batas moral ng tao.

Sa pagdaragdag, malaya ang isang kasapi ng LGBTQ na magpahayag ng saloobin sapagkat ito ay isang karapatang pantao, ngunit ang pagdawit sa seremonyas ng “Kasal” ay kailanma’y hindi tanggap ng simbahan at lipunan. Ang pagnanais ng isang organisasyon o indibidwal na maging legal ang Same-sex Marriage ay higpit sinasang-ayonan. Bukod dito, ang mga taong kasapi sa 52 porsyento (52%) na hindi sang-ayon ay nag-iisip din na ang pag-legal nito sa batas ay walang epekto sa lipunan, samantalang 40% ay naniniwala na ito ay makakapagbigay ng masamang dulot sa lipunan.

Sa huli, hindi ito ang tamang panahon upang maging legal ang Same-sex Marriage sa bansa. Maraming kahaharapin na pagsubok, sapagkat ang isip at puso ng mga Pilipino ay hindi pa bukas sa ganitong usapin. Hindi kinokondena ng bansa ang LGBTQ ngunit hindi nangangahulugang sasang-ayonan ng batas at simbahan ang Same-sex Marriage. Ayon kay Presidente Rodrigo Duterte, “Katoliko tayo” at ang konsepto ng Same-sex Marriage ay angkop lamang sa mga Kanluraning bansa.