Talumpati

AMOIN, JOSEPH ANGELO

Usapin ng Depresyon sa Pilipinas

Tayong lahat ay may sariling buhay, sariling paraan ng ppag-iisip at may iba’t-ibang mga naranasan sa buhay. Lahat tayo ang may problema na nagdudulot sa atin upang maging malungkot o sa kasamaang palad ay mapunta tayo sa mundo ng depresyon. Isang mundong parang tayo lang ang tao, madilim, tahimik, malungkot o parang wala lang.

Kilala tayong mga Pilipino bilang mga masayahing tao kahit walang pera, kahit maraming problema ay laging nakangiti o tinatawanan lamang. Subalit hindi lahat ng Pilipino ay may gaitong pag-iisip, ang iba ay nilamon na ng kalungkutan. Ano nga ba ang magagawa natin para sila ay matulungan? Ito ay sa paraan ng pakikinig. Kapag kailangan tayo ng mga taong may depresyon ay ating silang tulungan. Making lang tayo sa lahat ng sasabihin nila at iparamdam natin na may pakialam tayo. Sa pakikinig lang ay malaking tulong na iyon. Kapag ayaw naman nilang maging bukas sa kanilang problema ay ang magagawa natin ay pasayahin lamang sila. Sa paraan na mapapaligaya natin sila.

Ang usapin ng depresyon sa Pilipinas ay talagang isang seryosong usapin. May mga Pilipino nga na nagpakamatay sa social media, nagfacebook live sila sa kanilang kamatayan. Kaya kapag mayroon tayong kakilalang may depresyon ay huwag natin silang baliwalain. Iparamdam natin na may pakialam tayo, na hindi sila nag-iisa sa mundo.

 

 

GAVIOLA, JOSETTE

Depresyon: Sino ang tutulong?

Ang depresyon ay maaaring suliranin ng isang tao. Ito din ay isang pagsubok upang malaman kung gaano katatag ang isang tao sa pagharap ng pangaraw-araw na mga pangyayari. Hindi mahalaga kung ang isang tao ay mayaman o mahirap, may perpektong pamilya o walang pamilya, maaari parin maging malungkot at malumbay. Pwedeng makamit ng isang tao ang pinakaaasam na buhay ngunit mapaglaro ang tadhana at sadya man o hindi ay hindi maiiwasan ang depresyon. At maaaring may malaking kontribusyon ang sariling estilo sa pamumuhay ng problemang ito.

Minsan, iniisip ng iba na walang halaga ang sarili at isang malaking salot sa mundo sapagkat malayo ito sa katotohanan. Ngunit walang alam ang karamihang tao na mayroong nagmamahal at nag-aalaga nito. Siguro ngayon ay wala pang nagmamahal nito ngunit sa ibang araw merong taong kusa na magmamahal. Kaya’t, ito ay hindi isang dahilan upang tapusin ang buhay ng isang tao.

Sobrang sakit. Nasasaktan ang mga tao dahil sa matinding kalungkutan na naidudulot ng depresyon. Kahit sa sitwasyon na makitang nasasaktan ang mga mahal sa buhay at humantong na hindi na maaring makita kailanman.

Kapag nararamdaman ng isang tao ang kalungkutan at kalumbayan, kinakailangang kausapin at gabayan ng isang tao o kahit sino para mailabas ang mga hinanakit nito. May mga ibang tao na handang makikinig at tutulong. At hindi lahat ng tao ay handang tumulong ngunit karaniwan nito ang makikinig at tutulong.

May taong handa na makikinig, tutulong at palaging nagmamahal sa isang tao. Alam mo kung sino? Ako iyon.

 

 

INOC, JEA

Isang Pagtanaw sa Suliraning Depresyon sa Bansa

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang lugmok sa kahirapan. Sa bawat segundo, may mga mga krimeng nangyayari at sa bawat minutong lumilipas ay siya namang paglaki ng porsyento ng pagtitiwakal. Lahat ng ito ay nagmumula sa iisang ugat na hindi masiyadong nabibigyan ng pansin ng lahat. Ito ay isang estado ng pag-iisip na tila ba hindi naiintindihan at kailan may hindi nabibigyan ng atensiyon.

Depresyon, binubuo ng siyam na letra ngunit ang epekto nito ay katumbas ng isang buhay. Ito ay kusang dadating kung saan dahan-dahanang kukuhanin ang lakas ng isang tao sa lahat ng aspeto nito. Kung iisipin, ang bansang lugmok sa kahirapan at ang mga taong nanirahan dito ay may mental na sakit na pinapasan, magreresulta ito ng magulo at hindi nagkakaisang pamayanan.

Sa sarbey na inilabas ng Department of Health(DOH), naitala ang Pilipinas bilang pangunahing bansa na may maraming kaso ng depresiyon sa Timog-Silangang Asya at sa 2012 World Happiness Report na isiniwalat, nasa huli ang bansa na limitan lamang nakakaranas ng kasiyahan, na nangangahulugang ang malaking porsyento ng populasyon ay binubuo ng mga Pilipinong nakakaranas ng depresiyon.

Taliwas sa mga ito, ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging masiyahin at positibo. Narasan na ng bansa ang iba’t ibang kalamidad at mapanganib na sitwasyon na kung pagsusuhamahin ay walang kalaban-laban ang depresiyon at mga sakit na dulot nito.

Sa huli, kung ang statistika o rekord nga tungkol sa depresyon ay nabubura at nababago, ganoon din ang sakit na dulot nito sa mga biktima. Ang pagnanais ng bansa na umunlad, hindi sana sa ekonomiya lamang, ngunit isaalang-alang din ang kalusugang mental ng mamamayan. Pagmamalasakit, isang salita ngunit makakapaghatid ito ng pagbabagong inaasam mo at ng kabuoang madla.

 

MALATE, JULIA MARIE

Pagakahulog ng Pilipinas sa Matinding Lumbay: Bakit Ganito Tayo Ngayon?

Kapag ang isang tao ay may depresyon, siya ay dumadaranas ng matinding lungkot at kawalan ng pag asa.  Ngunit ang depresyon ay makikita hindi lang sa pansarili kundi pra sa panmarami rin.  Ang Pilipinas ay isang bansa na dumaranas ng matinding lumbay. Maipapatunay ito sa talumpating ito.

Ang paghalungkat sa kasaysayan ng Pilipinas ang susi para malaman kung bakit isang depressed country ang perlas ng silanganan.

Ang depresyon ng Pilipinas ay nagsimula noong ito pa ay isinakop ng mga dayuhan. Ang pagkakaapi ng mga Pilipino sa mga Espanyol, Hapones at Amerikano ang unang pagkakataon na dumaranas sila ng matinding lumbay at pagkawalan ng pag asa. Mga likhain at gawain ng mga Pilipino sa panahon na ito ay ipinagbabawal at hindi hinihikayat sapagkat sila ay dakpin.

Ang sumunod na pangyayari ay sa panahon ng pamumuno ni Marcos.  Nung ipinatupad ang Martial Law, nawala sa mga kamay ng Pilipino ang kalayaan.  Ipinagbawal ang pag ere ng TV stations at limitado ang kilos ng mga Pilipino. Mahigpit ang mga batas at kung sino man ang susubok na sumuway nito ay makakaranas ng matinding parusa.  Muli, nahulog nanaman ang mga Pilipino sa isang sitwasyon na hindi sila ang may hawak ng kanilang buhay.

Ang karanasan ng mga Pilipino ang nagtulak sa kanila na magisip na wala silang sapat na kakayahan na lumago sa buhay.  Marami ang walang trabaho at inaapi ng mga dayuhan.  Nanduon rin ang pagiisip na mas mataas ang antas ng mga dayuhan kesa sa kanila. Lahat ng ito ay nakareplek sa kasaysayan at nagdulot ng depresyon sa Pilipinas. Ang pananaw na ito ay nagdulot sa mga Pilipino na makontento ng kaunti. Ika nga ni Ong noong dalawang libot labing anim, ” Ang mga Pilipino ay sanay sa pagbabagay sa isang sitwasyon.  Bilang mga taong isinakop, tayo ay sanay sa pagiging ‘under the radar’ at kumilos na parang sunud sunuran. “

Mga kapwa Pilipino, isa lang ang hinihiling ko: na sana ay babangon tayo sa depresyon.  Sana ay mabigyan ng lunas ang karamadamn na ito. Hiling ko na makita ng mundo ang tunay na kakayahan ng Pilipino.

 

 

PAQUIBOT, ANGEL GRACE

Pansinin Ang Hindi Halata

Sa ilang mga paraan, mukhang simple lang ang depresyon mula sa labas. Malalim na damdamin ng kalungkutan, maskara na dumadaloy mula sa mukha, kawalan ng kakayahan na makabangon mula sa kama, ang akalang ang lahat ay wala ng kabuluhan. Ngunit hindi talaga ganito ang nangyayari sa mga taong nakakaranas sa sakit na ito. Madalas, ang mga sintomas ng depresyon ay maaaring hindi gaanong halata para sa karamihan.

Ang depresyon ay isang kundisyon kung saan ang isang tao ay nakakaranas ng kalungkutan, kawalan ng sandigan mula sa mga taong nasa paligid, at hindi interesado sa pang-araw-araw na buhay. Ito ay maaaring makapigil sa mga kabataan na magsabi ng totoo kung kaya’t mismong ang isyu na ito ay tinatago na rin lamang nila. Minsan, kailangang dapat isantabi natin ang pananaw na ang depresyon ay palaging nakikita mula sa labas, upang mas mahusay nating maunawaan at tulungan ang mga nakikipagpunyagi sa mga sakit na ito.

Nang walang nakakaalam, ang mga taong ito ay maaaring hindi mukhang nakakaranas sa sakit na depresyon. Halimbawa nito ang miyembro ng inyong barkada na siyang may pinaka- mataas na karisma na nagpapatawa sa inyo sa araw- araw. Ngunit sa pag- uwi sa bahay, dito na bubungad ang panibagong mundo na haharapin. Bubong nalang ang laging kaharap, unan na may luha nalang ang palaging katabi at sarili nalang ang nananatiling kausap. Dahil sarili lang rin mismo ang makakaintindi sa sitwasyon. Kadalasan sa kanila ay hindi nagpapahalata sa kadahilanang baka mas lumala pa ang sitwasyon kapag nalaman ito ng iba, at sa takot na baka hindi pakinggan o walang pake- alam.

Nangangailangan ang mga taong ito ng tulong at ikaw ay maaring isa sa kanila. Simulan ang aksyon sa pinakamaliit na bagay. Makinig. Ito ang bagay na kuana- unahang kailangan upang makatulong na ilabas ang kanilang mga hinaing. Sa pamamagitan nito, mababawasan ang mga sakit at kalungkutan na kanilang dinadaing.

 

Gamit ang rasyonal na pag- iisip at pakikipag- simpatya sa mga taong nasa iyong paligid, maaari kang makatulong upang mabawasan ang persyento ng mga kabataang may depresyon sa Pilipinas. Higit sa lahat, hindi lang dapat marunong making, mas mabuti kung ang isat- sa ay matutong makiramdam upang ang mga tao ay may pake- alam sa isa’t- isa. Kaya ngayon, simulan mo upang simulan din ng iba.

 

 

VERDIDA, JENNY BABE

Atensyon: Gising Tao

 

Ang tao ay nabubuhay dito sa mundo ng may dahilan. Iniingatan ang sarili upang magpatuloy na lumaki at umunlad. Nong una’y inosente pa lamang at hindi kabisado ang ga bagay-bagay. Lahat nagsimula dito. Paano kaya makaapekto ang kapaligiran sa taong nakararanas ng kalungkutan, pagkabigo at depresyon?

Maaaring ang isang tao ay nakararanas ng mga problema sa pamilya, kaibigan at pwede narin sa sarili. Lahat ng tao ay indibidwal na natamasa ang labis na kalungkutan na naidudulot ng mga masasamang pangyayari sa hiram na buhay na ito. Isa sa dahilan ng pagiging negatibo sa mga bagay at kawalan ng tiwala sa sarili. Hindi man dali-daling nalalaman ang sanhi nito pero masasabi mong kasalukuyan na wala sa isip ang tao kapag hindi normal ang kanyang mga ikinikilos at kulang ng sigla.

Umiiral kasi ang kasamaan sa magagandang bagay sa paligid. Unang-una sa pera at teknolohiya na sa tingin nga tao ay makabubuti ngunit pa sekreto at hindi namamalayang ang epekto nito. Nalulubog ang atensyon ng tao sa pag-asikaso ng mga bagay na ito kung kaya’t wala ng magandang relasyon sa mga tao sa paligid. Dito nakakuha ng hindi mabubuting bagay ang tao, hindi man lahat ngunit malaki ang porsyento. Nabu-bully sa internet, nakakuha ng pekeng impormasyon at marami pang iba.

Ang isang taong problemado o may depresyon ay maaring nawawalan ng interes sa mga bagay, hindi gaanong nakikipaghalubilo sa mga kaibigan, sobrang sensitibo sa kabiguan at walang tiwala sa sarili. Sa humaninades, isa ito sa dapat pagtounan sapagkat dapat pag-usapan ang mga problema sa depresyon upang agad itong masolusyonan at hindi aabot sa pagpapakamatay ang mga biktima nito. Responsibilidad ito ng mga tao na tugunan ang kaibigan o kakilala na mayroong ganitong sitwasyon dahil uhaw sa atensyon at pagmamahal ang mga taong may depresyon at maaring matindi ang krisis na naranasan nila. Gabay at payo ang kailangan dahil bawat krisis ay isang tawag na baguhin ang ating buhay.