Sintesis

AMOIN, JOSEPH ANGELO

Sintesis sa Iba’t-ibang Kaganapan sa Kuwentong Alamat ng Gubat ni Bob Ong

 

Ang Alamat ng Gubat ang ikaapat na librong nalathala ni Bob Ong sa taong 2003. Ang kuwento ay tungkol sa isang talangkang nagngangalang “Tong” na naghahanap ng puso ng saging para pagalingin ang kaniyang amang hari sa isang sakit. Sa kanyang paglalakbay sa paghahanap ng puso ng saging ay nagkaroon siya ng mga kaibigan at nilabanan nila ang mga masasamang hayop sa gubat.

Ang Alamat ng Gubat ay tanyag sa alegorikong referensya tungkol sa lipunan ng Pilipinas. Maraming parte sa istorya ng libro ang may pagkakahalintulad sa mga nangyayari sa lipunan ng Pilipinas noong taong 2003 pababa hanggang ngayon. Ito ay marahil gustong ipabatid ni Bob Ong sa mga Pilipino ang mga hindi magagandang nangyayari sa lipunan.

Isa sa parte ng libro na kahalintulad sa lipunang Pilipino ay noong nag mabuting loob sina Leon at Daga kay Tong, ibinalik ang siyam na perlas kay Tong mula kay Buwaya tapos ito na ang sumunod “Hmm… si Aso ang dapat mong kausapin tungkol sa puso ng saging,” ani Leon. “S-Salamat po!’  Tatakbo na sana si Tong nang bigla siyang tawagin ni Leon. “Sandali,” pinuntahan ni Leon si Daga para iabot kay Tong ang dalawang itlog. “Ninakaw ito ni Palaka nina Manok at Pagong. Ibalik mo ito sa kanila at sila ang magsasabi sa’yo kung saan matatagpuan si Aso.” Tinanggap ni Tong ang mga itlog at tuluyan nang nilisan sina Leon at Daga. Nagtinginan ang dalawa at nagtawanang- demonyo nang makalayo na ang talangka”.

Ang parte sa libro ay sumisimbolo sa pagiging mapaglinlang at sa paggamit ng ibang tao sa kapwa  tao para magawa nila ang  mga masasamang balak o makuha ang gusto.

Dahil ginamit lang nila Leon at Daga si Tong para matukoy o mahanap ang kinaroroonan ng iba pang hayop sa gubat gamit ang paglaway ni daga sa itlog ni manok at pagong para patayin o kainin sila.

Hanggang sa panahon ngayon ay maraming Pilipino ang nanglilinlang o nang-uuto sa kapwa tao para makuha o makamit ang mga hangarin. Kagaya na lamang sa kuwento ng guro tungkol sa babae na pinakain at pinaaral ng kamag-anak para makuha ang isang malawak na lupang pag-aari ng kaniyang pamilya. At isa pang halimbawa ang notoryus trafficker ng tao na si Liezyl Margallo at ang live-in na pares na si Gerard Scully na nililianlang ang mga mahihirap na bata at batang lansangan sa Cagayan de Oro City para pag-aralin daw pero patratrabahoin para sa Cyber na Pornograpiya na negosyo ng mga live-in na pares.

Isa rin sa parte ng libro na kahalintulad ng lipunang Pilipino ay “Kaya nga kailangan nating maghimagsikan! Panahon na para tayo ay mag-aklas laban sa mga hayup na ‘yon! Sabi ni Tipaklong. “Sandali, maghunos-dili ka naman. Hindi sagot ang himagsi—“ “Wag kanang humirit Langgam!” putol ni Tipaklong. “Takot ka lang dahil maapektuhan ng kilusan ang mga negosyo mo. Palibhasa maraming mawawala sa’yo pag nagkagulo!”  “Anong mali doon? Natural lang na protektahan ko ang bunga ng pagod ko!” pagtatanggol ni Langgam sa sarili. “At ikaw, kaya ka lang din matapang ay dahil walang mawawala sa’yo! Wala ka kasing pinagpaguran. Nagpapatalsik ka lang ng laway habang ang iba ay nagpapatulo ng pawis!”

Maraming puwedeng maging simbolo ang usapan ni Tipaklong at Langgam. Sa katunyan noong taong 2000 nang nag declara si Pangulong Joseph Estrada ng “all-out war” ng gobyerno laban sa MILF ay maraming naapektuhang mga tao, establisyimento, istruktura, paaralan, at iba pa sa Mindanao. Ang kaawaawa  ay ang mga taong nagpapakahirap, nag-alay ng dugo at pawis sa kanilang pinaghirapan na sa kasamaang palad nakaranas ng masamang epekto.

Isa pang simbolo ng usapan ay ang pagrarally ng mga taong wala ng ginawa kundi magreklamo, puro salita ang ginagawa, hindi nagtratrabaho para sa sarili at laging sinisisi ang gobyerno sa kanilang estado ngayon sa buhay; pero may punto rin naman sila. At ang mga taong gusto lamang mangyari ay kaguluhan, na naaliw pag may gulo, dahil walang mawawalang kahit ano sa kanila kahit may kaguluhan sa paligid.

Dito naman sa usapan ni Ulod at Langgam, “Sa tingin ko, parang may punto naman si Tipaklong. Baka nga kaya tayo nanatiling maliit ay dahil sa mga dambuhalang hayop.” “Hindi rin!” kontro ni Langgam. “Ang liit at laki ay nasa isip lang. Bakit kami nina Bubuyog at Gagamba, mga mga naipundar din naman kahit papano. Nasa pagsisikap lang ‘yan ng tao!”

Kung uunawain ang nais ipabatid ng usapan mula sa libro ay dapat huwag isisi sa ibang tao kung ano ang estado natin ngayon sa buhay, kung mahirap at mas mababa tayo sa kanila ay hindi nila ito kasalanan, ito ay kasalanan natin kaya kailangang magsikap sa buhay hindi yung puro lamang salita sa halip ay dapat sa gawa.

Sa bahagi naman ng paggamit ng salita ng mga Pilipino ay may mga pagbabago rin na naipahalintulad sa aklat. “SYIIIT!!!” napalundag si Tong sa sobrang takot. “LOBSTER… ‘KAW BA’YAN?!?”  “Sinong akala mo?” sagot ng kausap na sitting pretty sa kabatuhan. “At hindi ako si ‘lobster’, ako si Ulang! Kelan ka pa nagging inglisero…hellooo?…Duh??? Saan mo pa nakuha ‘yang  pa-‘syit’-‘syit’ mo e dati ‘nanaykupu’ lang ang sigaw mo pag nagugulat ka?”

Hanggang sa kasalukuyan ay sumusunod ang mga Pilipino sa mga ekspresyon o mga salita ng ibang lahi. Katunayan ay may pa ‘f*ck’, ‘what the’, ‘oh my’, at iba pa pang nalalaman.

Sa bahaging ito ng aklat nagumpisa ang usapin ng mga politiko sa Pilipinas. “Hindi ka ba napapagod gumawa ng meron?” tanong ni Ulang. “Hindi kaba napapagod gumawa ng wala?” tanong ni Tong. “Napapagod.” sagot ni Ulang. “Wala na nga akong pahinga eh!” “Ba’t ginagawa mo pa rin?” “Dahil ito ang tungkulin ko dito.” “Tungkulin?” pagtataka ni Tong. “Kanino? Sino’ng nabigay sa’yo ng tungkulin na ‘yan?” “Ang mga hayop sa gubat.” “Huh? Anong nakukuha nila sa wala?” “Hindi ko alam. Pero binabayaran nila ako ng mga pilak para gumawa ng wala. Kung gusto mo kahit dalawang pilak lang ang kapalit ay igagawa kita ng sarili mong wala.” “Huh? Salamat nalang, pero wala akong pilak, at hindi ko rin yata kakailanganin sa ngayon ang wala.” “Sige bahala ka.”

Sinisimbolo sa usapin ang trabaho ng politiko sa Pilipinas, kahit walang ginagawa para sa bayan ay meron nakukuhang sahod. Ang mga ‘hayop sa gubat’ ay sumisimbolo sa mga taong nag halal ng mga politikong walang ginagawa sa opisina o di ginagawa ang tungkulin. Si Ulang naman ang sumisimbolo sa mga politiko.

Ang bahagi ito sa kuwento;” Sa pagkakataong ‘yon ay naghagis si kuneho ng isang malaking tipak ng tae sa kangyang harapan at nagsabing: “Downpayment pa lang iyan sa mga boboto sa akin!” Gaya ng inaasahan, dagsang lumipat ang mga langaw sa kaniyang kampo sa isang kisapmata”. Nasasaad sa parteng ito ng kuwento ang pagbibili ng mga boto ng mga tumatakbong politiko sa isang posisyon ng pamahalaan at ang pagpayag naman ng mga Pilipino na ipagbili ang mga boto dahil binigyan ng mga hangarin- pera.

“Natapos ang perya. Nanalo si Langgam sa lahat ng event. Iyon nga lang, inabot ng malas sa bandang huli. AAAAAAAHHH!!! Isang malakas na sigaw ang narinig ng lahat. Natagpuan na lamang si Langgan- may nakatapak! Kung aksidente o foul play, walang nakakaalam. Balik sa kaguluhan ang gubat.” Ang bahaging ito ng kuwento ay nagpapatungkol sa mga karahasan tuwing may eleksyon sa Pilipinas, palaging may banta ang buhay ng mga kumakandidatong mga politiko, watchers, at iba pang mga taong bahagi ng eleksyon. Sa katunayan sa taong 2001 ay mayroong 152 na mga biolenteng insidente at 98 ang mga taong namatay dahil kasapi sa eleksyon.

Nagpapatungkol naman sa pagsalakay ng mga pulis sa lugar kung saan talamak ang droga ang bahaging ito ng kuwento: GROOOOOWWWWRRRR!!!!! “SI LEON!” isang loro ang sumigaw. “NASUNDAN TAYO!!!” Kasunod noon ang malalakas na sigawan mula sa iba’t-ibang direksyon. Kumaripas ng takbo ang mga hayop papunta sa kung saan-saan. Walang natira sa lugar ng pagtitipon kundi mga nagliparang tuyong dahon, balahibo ng iba’t-ibang ibon, usok ng alikabok, at paraphernalia ng mga ipinagbabawal na gamut.

Ang issue naman ng ingit sa mga magkakapatid ay nailathala din sa kuwento, nang tinraydor si Tong ng kaniyang kapatid na si Katang. “Hahahaha! BWAHAHAHA!!!” sabi ni Katang kay Tong bilang opening remarks. “Akala mo ba magtatagumpay na naman ang plano mo, kapatid? Akala mob a na ikaw na naman ang pogi sa tingin ng mga magulang natin? Akala mo kayo talaga ang magkakatuluyan ni—“ “ANONG GINAWA MO SA NOBYA KO?!!!” nanlilisik sag alit ang mga mata ni Tong. “Wala ka nang pag-asa!” sagot ni Katang. “Binuntis ko na si Dalagang Bukid! Bwahahaha!!!”

Likas talaga sa mga Pilipino ang pagiging maingitin, kahit sariling kapatid ay naiingit , sa halip na dapat maging masaya  para sa kanila ay gusto pa silang ihatak pababa o kailangang mas mataas ang estado sa kanila.

Ang huling bahagi na ito ng kuwento ang talagang siyang nakakapagdamdamin, ito talaga ang gustong nais ipabatid ni Bob Ong sa kuwentong Alamat ng Gubat.

“Ahas, leon, manananggal, illegal vendor, tax evader, political clan—pare-parehas lang yan… lahat sila naghahari sa gubat!” “Alam ko. Kaya nga babaguhin ko ang gubat. Gigisingin ko sa katotohanan ang mga hayop. Tuturuan ko sila sa waston pamumuhay. Bibigyan ko sila ng ng matinong edukasyon at magandang trabaho. Alam kong sa kalibuturan ng kanilang purso ay alam nila ang tama sa mali…” “Delikado ‘yan.” Pumitas ng isang piling na saging si Matsing at nagpatuloy sa pagkain. “Hindi yata ako boto d’yan.” Tinitigan lang siya ni Tong. Nagpatuloy si Matsing: “Bigyan mo sila ng isda, mabubusog mo sila ng pang-isang araw. Turuan mo sila mangisda, mabubusog mo sila ng panghabang-buhay at hindi ka na nila kakailanganin. Mawawala ang kamangmangan nila at hindi na sila magiging inutil. Wala ka nang kapangyarihan. Kaya bakit mo sila tuturuang mangisda?” “Hindi ko kailangan ng kapangyarihan, Matsing!” sagot ni Tong. “Ang kapangyarihan ay tatagal lang ng ilang taon—anim, sampu, dalawampu… Pero ang impluwensiya, daangtaong.” “Bakit, tatagal k aba ng daangtaon? Baka bukas ay ma-dengue ka, tigok ka na!” “Hindi kailangan lahat ng gagawin natin ay para lang sa atin, dapat ay isinasaalang-alang rin nating ang mga susunod na henerasyon.”

Ipinapahiwatig sa pag-uusap ni Tong at Matsing ang kailangang Pangulo ng sambayanang Pilipino sa darating sa 2004 na eleksyon. Na ang gubat ang Pilipinas, na ang hayop sa gubat ay ang mga Pilipino at ang mga plano ni Tong para sa gubat ang kailangang gawin ng magiging Pangulo ng ating bansa para maiahon ang ibang Pilipino mula sa kamangmangan at kahirapan. Sadyang sa mga taong 2003 pababa ay laganap ang mga problema na naisaad sa kuwento, pero sa pagdaloy ng panahon ay unti-unti rin naming umuunlad ang lipunan ng Pilipinas.

 

Babasahing Tinukoy:

Ong, Bob. Alamat ng gubat. Pasay City, Visprint, Inc., 2003.

“Alamat ng Gubat.” Wikipedia, Wikimedia Foundation, 26 July 2017, en.m.wikipedia.org/wiki/Alamat_ng_Gubat. Accessed 12 Sept. 2017.

Mayol, Ador Vincent S. “Woman wanted in Mindanao for human trafficking nabbed in Cebu.” Cebu Daily News, 26 Jan. 2017, cebudailynews.inquirer.net/120576/woman-wanted-mindanao-human-trafficking-nabbed-cebu. Accessed 12 Sept. 2017.

“Joseph Estrada.” Wikipedia, Wikimedia Foundation, 6 Sept. 2017, en.m.wikipedia.org/wiki/Joseph_Estrada. Accessed 12 Sept. 2017.

library,fes.de > bueros > philippinen

“Filipinos: We Have Forgotten Our Identity.” Carlo’s Blog, www.carlocruz.ph/writing/filipinos-we-have-forgotten-our-identity. Accessed 12 Sept. 2017.

Tan-Zubiri, Audrey. “Why you shouldn’t ignore sibling rivalry.” Inquirer lifestyle Why you shouldnt ignore sibling rivalry Comments, lifestyle.inquirer.net/33911/why-you-shouldn%E2%80%99t-ignore-sibling-rivalry/. Accessed 12 Sept. 2017.

Rappler.com. “How to choose the next president, according to Miriam.” Rappler, http://www.rappler.com/nation/76306-miriam-santiago-qualities-president. Accessed 12 Sept. 2017.

 

 

GAVIOLA, JOSETTE

Kapangyarihan ng isang Hari: Pag-aanalisa sa Kontekstong Politikal

Isang Sintesis sa “Alamat ng Gubat” ni Bob Ong

 

“E ba’t kailangan mo pa siyang halikan nang paulit- ulit? usisa ni Tong. Ewan ko ba! Kundi lang yan hari dito, matagal ko nang iniwan yan ng mag-isa. Hari… na naman?!”

“A eh, ang ibig kong sabihin ay… pinag-aagawan ng mga hayop ang puso ng saging dahil sa sinumang makapitas nito ay maaaring humiling ng kahit na ano at ang kahilingang iyon ay matutupad.”

“Hindi. Hindi uubra sa akin ang ganyan! Ako ang hari dito sa gubat kaya ako ang magpapasya kung sino ang susungkit sa puso ng saging! Pagmamatigas ni kuneho. SandaliKelanKaPaNagingHariDito? hirit ni pagong.”

-Mula sa “Alamat ng Gubat” ni Bob Ong

 

Pinapalagay sa pag-aaral na nasa senaryo ng teksto na Alamat ng Gubat ni Bob Ong ay nagpapakita ng pagkakatulad sa kontekstong politikal.

Ang hari ay sumisimbolo sa pagiging makapangyarihang pinuno ng isang lipunan. Ito ay nagsisilbing pundasyon sa isang matatag at maayos na lipunan para sa mamamayan. Handang gawin ng mga taong ito ang lahat upang makamit ang kapangyarihang minimithi: bumibitiw ng mga pangako, pinapaganda ang imahe at bawat galaw ay tila kalkulado. Subalit, taliwas ito sa naging pagganap sa mga tungkulin kapag nakuha na ang inaasam na puwesto.
Ayon kay Garcia, “ang pagbili ng boto ay patuloy na naging bahagi ng larong elektoral. Bilang malawak na kinikilala ng mga lokal na pulitiko at mga botante. Ngunit maraminng repormistang pulitiko na hinimok ng mga repormistang patakaran ng Pangulo, na sumasalungat sa pagbili ng boto at sa ilang mga kaso ay nanalo dahil sinasalungat ito(Philippine Daily Inquirer).” Dagdag pa rito, may dalawang uri ng pulitiko sa isang eleksiyon; ang mga mananalo at ang mga ginulangan. Sa halip ng maayos na pagtanggap, ang mga natalo ay magpapasaring ng pandaraya laban sa panalong kandidato. Ang ganitong tagpo ay pangkaraniwan na lamang sa lipunang Pilipino. Sa kadahilanang  hindi nakuha ang gusto, mag-aakusa na agad ng mga iba’t ibang pasaring. Ganito na lamang kasabik ang mga wannabe leaders na makuha ang puwesto, dahil sa taglay na kapangyarihang kalakip nito.

Habang nasa puwesto, ang mga makapangyarihang tao ay pilit na nagkukubli sa tunay na pagkatao. Halimbawa na lamang ng pangulo o opisyal ng gobyerno, upang matakpan ang mga anomalyang ginagawa, iba’t ibang proyekto ang isinasagawa. Sa katunayan, ipinaliwanag ni Ragas, “ilang buwan pagkatapos ng pag-aalsa noong Enero 2001 na pinalayas ang pangulo, nagapila ang Philippine Ombudsman ng dalawang singil sa Sandiganbayan noong Abril 4, 2001; isa para sa pandarambong at ang isa para sa pagsisinungaling. Ang kasong plunder ay binubuo ng apat na hiwalay na singil: pagtanggap ng 545 milyong pesos mula sa mga nalikom ng jueteng(isang iligal na laro ng pagsusugal); pagsasamantala ng 130 milyong pesos sa mga buwis mula sa tabako; pagtanggap ng isang 189.7-milyong pesos na komisyon mula sa Belle Corporation, isang real-estate firm; at pagmamay-ari ng pera sa bangko sa halagang 3.2 bilyong pesos na ipinailalim sa ibang pangalan. Ang menor de edad na pagsingil ng perjury ay para sa Presidente at pagbaba ng mga ari-arian(Blogspot).”

Ang Bise Presidente ng parehong panahon ay katulad din ng pangulo. Inaasam na maging maangat ang puwesto at sinasakripisyo ang kapakanan ng mga mamamayan para maging maganda ang labas nito. Batay sa pagpapaliwanag ni Presse, “ang Pilipinas ay nawalan ng 101.82 bilyon pesos sa pamamagitan ng maling paggamit ng mga pondo at asset ng estado sa mga huling tao ng graft-tainted na pangulo. At mahigit sa 4,000 na kaso ang di-awtorisadong gastos, hindi makukuha ang cash advances, hindi nakikilala ang mga tungkulin, walang katotohanang pag-angkin, mga nawawalang ari-arian, o mga inabandunang proyekto na nangangahalagang 101.82 bilyon pesos(Philippine Daily Inquirer).” Nagpapakita na gagawin ng isang hari ang lahat para sa ikakaunlad ng bansa kahit ito ay makakasama sa sarili nito.
Ang kaso ay karaniwang umiikot sa serye ng mga pangyayari na nangyari sa EDSA II. Noong eleksyon 1998, dalawang nilalang ay nahalal bilang presidente at bise-presidente. Ang pagbagsak ng administrasyon ng isang pangulo ay napunta sa gobernardor. Gamit ang medya, inilabas ang paglalantad ng petisyoner, bahagi ng iskandalo ang Jueteng(ilegal na laro ng pagsusugal) bilang nakatanggap ng malaking halaga ng pera. Matapos itong ilantad, maraming iba’t ibang grupo at maraming personalidad ang humiling ng pagbibitiw sa nagpetisyon.

Pinapakita sa dalawang opisyal na may pagtutulungan at pagkakaisa sa bawat panig. Subalit, umabot sa punto na may namumuong hindi pagkakaintindihan. Batay sa interpretasyon ni Lapadiday,”sinabing may isang malapit na kaibigan ang Presidente sa Ilocos Sur, ay personal na ibinigay ito sa Presidente ang perang kabayaran mula sa jueteng na nakatago sa isang account ng bangko. Ang paratang ng kaibigan ay naging sanhi din ng kontrobersya sa buong bansa, na pagkatapos sa paghaharap ng House of Representatives ng isang kasong pagpapatanggal sa puwesto laban sa Presidente noong Nobyembre 13, 2000. Pinagpatuloy ng House Speaker ang reklamong pagpapatanggal sa puwesto. Ang kasong pagpapatanggal sa puwesto ay dinala sa Senado at isang impeachment court ang nabuo, kasama ang Chief Justice bilang tagapamumuno. Ang Presidente ay sinasabing ‘hindi nagkasala’(Blogspot).” Dahil sa kaguluhan na naidulot ng Presidente ay naging dahilan ito ng Bise Presidente na mahigpit itong nanindigan sa pagtanggal ng Presidente sa puwesto. Ginamit ang mga anomalya ng President upang mas may katibayan sa pag-alis nito.

Sa ipinapaliwanag ni Parilla, “noong ika-20 ng Enero, ipinahayag ng Supreme Court na ang puwesto ng pagkapangulo ay bakante, na nagsasabing si Presidente ay “constructively resigned his post”. Bago ang araw ding iyon, kinuha ng Bise Presidente ang panunumpa sa harap ng mga tao sa EDSA at naging ika-14 na pangulo ng Pilipinas(Blogspot).” Mabilis ng napalitan ang puwesto sa pagiging Presidente dahil dito mas naging sakim ang Bise Presidente sa paghangad ng puwesto. Karagdagan nito na ayon kay Cruz, “kaagad na inorganisa ang bagong halal na Presidente ang Gabinete at hinirang ang bagong Pangalawang Pangulo. Madali itong nakumpirma ng parehong House of Congress sa pagboto nang hiwalay. Pumirma ito ng ilang mga bill para gawing batas at hinirang ng ilang mga ambassadors, consuls at iba pang mga pampublikong opisyal(p.4).” Ngunit hindi maiiwasan ang mga negatibong komento dahil sa bigla-bigla na pagbago ng Presidente. Tulad ng mga mamamayan ay hindi sang-ayon sa mga desisyon na ipinapatupad dahil naniniwala parin sa dating Presidente.

Binibigyang-diin ni Lapadiday na “ang Hukuman ay tumutukoy sa isang isyu sa pulitika bilang mga tanong na kung saan na nasa ilalim ng Saligang-Batas. Dapat ay pagpapasyahan ng mga tao sa bawat sariling kakayahan, o tungkol sa kung saan ang buong awtoridad ng pagpapasya ay ipinagkaloob sa legislative o executive branch ng pamahalaan. Ito ay nababahala sa mga isyu na nakasalalay sa karunungan at hindi lamang sa legalidad ng isang partikular na panukala(Blogspot).”

Sa tekstong “Alamat ng Gubat” ay ginagamit ang mga hayop bilang isang karakter upang may malinaw na interpretasyon. Nagpapakita dito na ang lahat ng mga hayop ay hinahangad na maging hari sa gubat upang may kapangyarihan sa pamamalakad at pagdedesisyon.

Ngunit, ang pagiging hari o lider ay hindi isang ordinaryo na tungkulin. Ito ay may kalakip na responsibilidad at pamamaraan ng pamamalakad. Hindi maiiwasan sa labis na paghahangad ng kapangyarihan ay makagagawa ng masamang pagkilos at kung paano ito isinagawa.

Ito ay isang malungkot na pangyayari na imbes ang hari o lider ang mangunguna sa mga gawain at gagabay sa mga mamayan ay hindi ito ang naging pagsasalamin sa tungkulin. Mas inuuna ang sariling kapakanan kaysa sa tungkulin na kailangang gampanan. Dahil dito, hindi na magkaunawaan ang mga tao at hindi na epektibo ang mga panukala na ipinapatupad.   

Babasahing Tinutukoy: 

Garcia, Dante B. “Notes of a Fil-Am election observer.” Inquirer Global    Nation Notes of a FilAm election observer Comments,        globalnation.inquirer.net/74963/notes-of-a-fil-am-election-observ er. Accessed 12 Sept. 2017.

Ragas, J., Ragas, J. and profile, V. (2017). JOSEPH ESTRADA. [online]             Philippinesanomalies.blogspot.com. Available at:             http://philippinesanomalies.blogspot.com/2012/06/joseph-estrad          a.html [Accessed 12 Sep. 2017].

France-Presse, A. (2017). Philippines lost P101.82B to anomalies under Arroyo–COA. [online] Newsinfo.inquirer.net. Available at:        http://newsinfo.inquirer.net/284120/philippines-lost-p101-82b-to          -anomalies-under-arroyo-coa [Accessed 12 Sep. 2017].
Lawpadiday.blogspot.com. (2017). CASE DIGEST: ESTRADA VS. ARROYO;         ESTRADA VS. DESIERTO. [online] Available at:           http://lawpadiday.blogspot.com/2016/03/case-digest-estrada-vs-        arroyo-estrada.html [Accessed 12 Sep. 2017].

Parilla, J. and profile, V. (2017). Over a cup of Coffee and a pint of Insanity.       [online] Lapadiday.blogspot.com.br. Available at:            http://lapadiday.blogspot.com.br/2016/10/ [Accessed 12 Sep.         2017].

Anon, (2017). [online] Available at:             http://ateneolawjournal.com/Media/uploads/7b5f1e786c97e0428f                    808eb410d71cac.pdf [Accessed 12 Sep. 2017].   

 

 

INOC, JEA

Isang Sintesis sa kwentong Alamat ng Gubat ni Bob Ong

Ipinapakita sa kwentong Alamat ng Gubat ni Bob Ong na taliwas sa pagiging “aklat pambata” ng libro ay nagpapakita ito ng iba’t ibang isyu na sumasalamin sa realidad ng politika sa Pilipinas.

Kilala si Bob Ong bilang isang manunulat na bibibigyang depiksyon ang mga isyu ng bansa gamit ang mga gawa nito. Sa kwentong alamat ng gubat na nailimbag sa taong 2003, hindi makakailang nais ng awtor na ipamulat ang mga mambabasa hindi lamang sa sitwasyong panlipunan at iba’t ibang klase ng Pilipinong mamamayan ngunit binibigyang diin din ang mga isyung  politikal ng bansa na talamak sa nagdaang panunungkulan kung kailan nailimbag ang aklat na makikita pa din hanggang sa kasalukuyan.

Sa unang pagsalaysay ng kwento, ipinapapakilala ang karakter na si “buwaya” na nakilala ni Tong sa unang tapak pa lamang nito sa gubat na ang ugaling isinasabuhay ay pagiging “kurakot” dahil sa bawat mga salitang binibitawan nito ay may kaakibat na kapalit. Kung i-uugnay sa totoong pangyayari, makikita dito na tila ba pinagbabasehan ng awtor ang isyung nangyari noong nagdaang panunungkulan ng isang kilalang presidente ng bansa sa taong 1998 kung saan ani nito, “sa aking administrasyon, walang kamag-anak, walang kumpadre, walang kaibigan.” Isang pangakong pinaniwalaan ng lahat na nagresulta sa pagkapanalo nito sa halalan kung saan ay humantong sa pagkawasak matapos lumabas ang mga isyung pagtataksil nito sa sambayanan: isyu ng korapsyon, pagsusugal, pagnanakaw, panunuhol,  jueteng at paglabag sa konstitusyon. (Capulong., “Nature of Complaint”)

Kung iisipin, kapansin-pansin sa bansa na minsan ang mga plataporma at mabulaklaking salita sa mga tatakbong opisyal ay madalas na napapako na nagbubunga sa pagkawala ng tiwala ng mga mamamayan. Gaya lamang ng ugali ni “buwaya”, na walang isang salita at paninindigan na kung saan ay nagdulot ng pagkatakot at pagkadismaya sa pangunahing tauhan.

Sa pangalawang senaryo sa kuwento ay nakakapukaw ng atensiyon ang pagkalito ni Tong. Sa kadahilanang, bawat pagtapak nito paloob ay ang unti-unting pagdami din ng mga hayop na umaangkin sa titulong “Hari ng Gubat”. Una, ang pagkilala ni Tong kay “Buwaya” bilang isang hari ng gubat. Sumunod naman si Leon, na buong tapang na ipinangalandakan ang kilalan bilang isa ring “Hari ng gubat” na nagtulak sa bida na magtanong na “Sino ba ang totoong hari?”.

Sa pagpapakilala sa mga tauhan at pagsalaysay sa mga pangyayari sa loob ng gubat, mahihinuha ang isyung pagka-uhaw at pag-aagawan ng ‘kapangyarihan’ ng mga karakter sa kwento na maaaring maiihalintulad sa iba pang mga opisyal sa bansa. Upang lubos na maipaliwanag, maihahalintulad ang eksenang ito noong nagdaang senaryo noong taong 2000, kung saan ang “kapangyarihan ng isang pangulo” ay lubos na nagdulot ng pagkalito sa mga mamayan sapagkat may nangyaring pag-aagawan sa pagitan ng kasalukuyang presidente at ng bise-presidente nito. Ang ugat ay nagsimula sa pagkabisto ng kasalukuyang presidente sa mga illegal na gawain nito kaya inutos  agad ng Suprema ang pagtanggal nito sa pagkakaluoklok sa pwesto kung saan automatikong papalit ang bise-presidente.

Gayunpaman, mahahalata sa bawat linya ng binitawang talumpati ng kasalukuyang presidente noon ang pagdududa nito sa ginawang pagtanggal sa kaniyang kapangyarihan bilang pangulo ng bansa. (J. Puno.,”Office of the Supreme Court”)

“…kasama ko ang maraming iba pang legal na

proseso sa ating bansa, mayroon akong malakas at

seryosong mga pagdududa tungkol sa legalidad at

konstitusyunalidad ng kaniyang pagpapahayag bilang Pangulo,

 ngunit hindi ko nais na maging isang rason na

maghahatid ng lubhang pagkabigo sa bansa

sapagkat nais kong maipanumbalik ang

kapayapaan at tamang hanay ng sibilisadong lipunan.”

 

Dahil dito, nagkaroon ng kagulohan sa pagitan ng mga ka-alyansa ng kasalukuyang presidente at sa mga tagahanga ng bise-presidente. Isang pagtatalo kung saan umiikot sa dalawang opisyal ng bansa na kapagkuwan ay inulan ng debate kung sino sa dalawa ang karapat-dapat na umupo sa pwesto.Sa pagdagdag, ang isyung ito ay naging sentro ng pagtatalo sa Korte Suprema at nagdulot ng rebolusyon sa iba’t ibang panig sapagkat taliwas na utos ng korte sa pagtatalaga sa bise-presidente na pumalit sa pwesto ay lubos naman na pinoprotektahan ng kasalukuyang presidente ang posisyon nito. (Cruz, p1 “Estrada v. Arroyo: Some Reflections”)

Noong isinalaysay ng may-akda ang botohan ng mga insekto at hayop sa gubat, tila ba sinisimbolo ang pagkapanalo ni Tipaklong sa pagkapanalo ng tumatakbong kandidato para pagka-Pangulo sa taong 1998 kung saan intinalagang “landslide” ang resulta ng botohan at pangunahing kandidatong nakatanggap ng maraming boto mula sa mamamayan.

Masasabing magkapareho ang sitwasyon ng pagkapanalo ng dalawa na kung saan ay  parehong ibinoto ng mga “langaw” na binubuo ng mga ordinaryong mamamayan o “masa” kung ibabatay sa realidad, may tiwalang ang “kandidatong” yaon ay lubos na makakaintindi sa sitwasyong pinagmulan at makakawasak sa matinding paghihirap na kinalulugmokan. (Dizon.“Condition in the Philippines”.p3)

Ito namang senaryo sa kwento ay isang kabaligtaran sa nangyaring botohan ng mga insekto, sapagkat ipinapakilala si “aso” bilang isang hayop na kumakain sa sarili nitong suka na kung iba-base sa isang politikal na isyu, ito ay laganap noong termino ng bansa sa panahong 2001-2004.

Ang pagkakaluklok ng isang kandidato sa terminong 2001-2004 na tinaguriang “pagkain sa sarili nitong suka” sa kadahilanang pandarayang anomalya na naganap at sa pagbilang ng boto, lumabas sa resulta na ang pinanggalingan sa mga konsisteng  boto ay nagmula sa mga “taong may mataas ang antas sa estado ng lipunan” na kung lapatan ng pag-aanalisa ay, parehong ang kandidato at mga maboboto nito ay “nagkakainan ng suka”.(Linantud p3-p10)  

Sa madaling salita, mga taong nagsasabwatan sa likod ng mga sambayanan na ang pagkaganid sa kapangyarihan ay nagtulak ng pandaraya na umabot sa puntong pagkakainan ng  suka ng isa’t isa.

Sa senaryo naman ng pagtitipon ng mga insekto para sa “Eleksiyon” sa pagpili ng hari sa gubat, mabibigyang pansin ang agarang paglipat ng mga langaw na noon pa man ay kasangga ni tipaklong, matapos bigyan ng suhol ni kuneho na maihahalintulad sa kaganapang pandaraya ng administrasyon noong 2004 o mas kilala bilang “Hello Garci Scandal”. Ito ay isang “tape” na mabilisang kumalat noong panahon ng eleksiyon ng taong 2004 na kung saan ang nilalaman ay; nagpapahiwatig ng pagsasabwatan ng kasalukuyang tumatakbong presidente at ng pinuno COMELEC upang i-manipula ang halalan noong 2004 upang manalo ng hindi bababa sa 1 milyong boto laban sa malapit na karibal nito na si FPJ kung saan may “suhol” na naganap. (Bernas, Fr. Joaquin G., Commentary: “Playing the Tapes”).

Ang krisis na patungkol sa politika ay hindi na bago sa madlang Pilipino. Kung susuriin, ang pandaraya ay isang malaking isyu maging ang abuso sa kapangyarihan at pagbibili ng boto. Nakakalungkot lamang na ito ay limitang nabibigyan ng pansin na laganap hanggang ngayon. (Remonde, Cerge, “Snap Elections?” Manila Bulletin., p.11)

Sa pagsalaysay sa nalalapit na pagtatapos ng kwento, ang pagkapanalo ni langgam ngunit ang mabilisang pagkamatay nito ay isinalaysay maging ang pagkamatay ng iba’t ibang mga insekto pagkadating ng tinaguriang mga hayop na hari sa gubat. Ito ay hinahalintulad sa eleksyon na nangyari noong eleksiyon sa taong 2001 kung saan pinipilit na ipabalik sa puwesto ang dating Pangulo na kung saan ay nakapagdulot ng maraming sugatan at nasawi. Naagaw din maging nito ang atensyon ng parehong lokal at internasiyonal medya.

Ang halalan sa Pilipinas ay nananatiling hindi ligtas: halos 1,000 katao ang pinatay o nasugatan tuwing may nagyayaring argumento,vendetta, at mga pag-atake sa mga partisano, kandidato, at mga canvasser.(Linantud.,p84“The 2004 Philippine Elections:Political Change in an Illiberal Democracy”)

Sa iba, pinaniniwalaan na ang kasaysayan ng pagiging “korap” ng isang politiko sa bansa ay kadahilanang gutom at uhaw sa kayamananan ngunit kung susuriin ang kasaysayan ng Pilipinas kung kailan naganap ang kauna-unahang kilalang ‘korapsiyon’ ay sa taong 1898, na pinaniniwalaang iba ang dahilan; Ang korapsyon ay hindi pilit na ginagawa upang makamit ang kaban ng bayan ngunit ito ay nangyayari dahil sa ”pagka-uhaw ng kapangyarihan” ng kandidato.

Ang ugat na ito ang nag-impluwensiya ng masamang hangarin sa iba pa na sa bawat takbo ng panahon ay ito rin naman ang unti-uting nagbigay daan sa mga iba’t ibang anomalyang laganap noon maging hanggang sa ngayon. (J. S. Asian Stud. 01 (03) 2013. p55-61)

Kahit na naisulat at nailimbag ang “Alamat ng Gubat” sa kontemporaryo/modernong panahon, ang mga isyung binibigyang diin nito ay sakop maging ang mga pangyayari sa kasaysayan ng bansa hanggang sa mga terminong nagdaan. Ayon kay George Santayana, “Silang hindi natatandaan ang nakaraan, ay hinahatulang uulitin ito.” Na nangagahulugang ang kasalukuyan ay isa lamang produkto ng kasasaysayan.

Lahat ng pangyayari sa bansa; sa panlipunan man o politikal na aspeto ay parehong may ugat na pinagmumulan. Sa muling pagpapaliwanag, ang akdang “Alamat ng gubat” ay hindi lamang nakapokus sa pagiging “satire” na nagbibigay aliw sa mga mambabasa ngunit kung uusisain ng may malalimang pag-unawa, ay makikita ang iba’t ibang politikal na isyung matagal ng laganap noon pa man na masasalamin maging hanggang ngayong modernong kapanahonan.

Ang paglimbag ni Bob Ong ng mga ganitong klase ng libro ang pumupukaw sa natutulog na isip ng karamihan sa mga Pilipino upang talakayin ang mga problemang hindi nabibigyan ng pansin. Katawa-tawa man na maituturing ang mga linyang binitawan ng bawat karakter, hindi maitatanging sa kaibuturan ng argumento ay may mga isyung nais ipabatid ang may-akda.

Sa huli, ang pagka-uhaw ni Bob Ong na mabuksan ang isip ng mga mambabasa sa mga politikal na pangyayari ay makikita kahit sa unang basa pa lamang ng talata sa kwento, na lubos na pinagdidiinan ang ideyang lahat ay kasangkot at lahat ay may panangutan sa kung ano mang kahihinatnan ng makapilipinong lipunan.

Mga sangguninan:

https://www.researchgate.net/publication/247904863_Hello_Garci_Framing_Gloriagate_The_Prevalence_of_the_Conflict_Frame_in_the_News_Coverage_of_the_Hello_Garci_Presidential_Crisis

http://www.lawphil.net/judjuris/juri2001/mar2001/gr_146738_2001.html

Click to access 9_The_Philippine_Executive_and_Redemocratization.pdf

Click to access IM-JULY05.PDF

http://www.chanrobles.com/legal11impeachmentcomplaint.htm#.WbaIb7IjHIU

 

 

MALATE, JULIA MARIE

 2003: Ang Kahalagahan ng Kultural na Pagktatakada sa Alamat ng Gubat ni Bob Ong

 

Sa papel na ito ay maipapakita kung bakit ang kultural na pagtatakda ng nobelang Alamat ng Gubat ni Bob Ong ay isang mahalaga na kadahilanan para mas higit na maunawaan ang nobela.

 

Ang Panimula ng Social Media sa Mundo

Makikita sa nobela ni Bob Ong na sa taong 2003 sumibol ang mga social media sites. Ang eksena na kung saan naglog-off si Tong sa kanyang Friendster account ay sumasalamin sa social trend sa taong iginawa ang nobela. Ayon kay Mark Milan Macanas, “Ang Friendster.com ay opisyal na inere noong Marso 2003 at agad inangkopan ng 3 milyong tao pagkatapos ng iilang buwan” (Macanas, “Friendster Login Page : Through The Years – 2002 To 2010”).

Masasabi nga na isang repleksyon si Tong sa mga kabataan noong taon ng pagkakagawa ng alamat. Ang pagligoy-ligoy ni Tong sa usaping karamdaman ng kanyang ama ay isang maagang palatandaan ng sobrang pagkakagusto sa isang bagay. Kapag ang isang tao ay pumupunta sa online world para iwasan ang kanyang mga responsibilidad sa totoong buhay at ang pagiwas na ito ay nakadudulot ng mas maraming probema, ito ay nagmumungkahi ng presensiya ng adiksyon sa Internet (Conrad).

Kapag isasama ang dalawang ideya ay maihihinuha na turing isang mambabasa sa taong 2003, ang taon kung kailang inilimbag ang nobela, ang makakadama sa kabigatan ng mensaheng ipinapahiwatig ng may-akda. Sa isang artikulo ay isinabi na “’Add me on Friendster!’ ang kadalasang ginagwang panghuling nota sa isang pag-uusap, matagal mo mang kaibigan ang kausap mo o bagong kilala lang” (Lapeña, “From Friendster to Facebook and beyond”). Nandoon ang karanasan ng mambabasa sa kasikatan ng Friendster at epekto nito sa lipunan.

 

Pilipinas: Text Capital of the World

Sa isang eksena ng nobela ay nabanggit ni Tong ang paggamit niya ng perlas bilang pambayad niya sa load para siya ay makatext. Ito ay isang sitwasyon kung bakit tayo natatawag na ‘Text Capital of the World’. Ang katotohanan ay ang isang karaniwang Pilipino ay mag-aatubili na gamitin ang kanilang minuto o load para gumawa ng isang tawag (“The Philippines: Texting Capital of the World”).

Ang ating pagkahilig sa texting ay nagdulot upang maging parte ng ating kultura. Ayon kay Josefina Lichueco, “Ito ang Pilipinas, ang text messaging capital of the world, kung saan ang SMS (Short Message Service) ay nakapagusbong ng  isang subculture kung saan may sarili itong pamamaraan ng pangungusap, alamat, at etiketa. Sa katunayan, ang katagang ‘tatawagan kita” ay pinalitan ng ‘itetext kita’ sa Pilipinas” (“The Philippine Text Messaging Phenomenon”).

Naipapakita talaga na si Tong ay sumisimbolo sa mga karaniwang nagtetext dahil mahal ang isang tawag. Ang pagkagusto ni Tong na makapagload para siya ay makatext ay isang ugali prominente sa lipunan sapagkat ang mobile communication sa taong 2003 ay tila “bagong silang” pa lamang.  Sa Pilipinas, ang texting ang pangunahing gamit ng cell phone simula noong 1999 nang ang dalawang pangunahing networks, Globa at Smart, ay ipinakilala ang free, di kalaunan ay murang messaging services bilang parte ng kanilang serbisyo” (“Mobile Communication and Society: A Global Perspective”).  Ang isang mambabasa sa taong 2003 ay mas makakarelate sa mga pahayag na ito sapagkat iba na ang mas pinapabor na daluyan ng komunikasyon ngayon.

 

Pagsiklab ng SARS

Hindi man masyadong napapansin pero nabanggit sa isang pahayag ang sakit na SARS. Hindi man ito mahalaga sa mga taong nagbabasa  sa kasalukuyan ngunit ang salitang ito ay nakakakuha ng atensyon sa mga taong bumasa sa nobela noong 2003.

Noong taong 2003, nagkaroon ng outbreak ng sakit na SARS na nagsimula sa China at kumalat sa ibang bansa. Sa mga panahon na ito ay hindi pa nahanapan ng lunas ang sakit kaya ito ay isang malaking alarma para sa mundo. Marami ang apektado sa kaganapan na ito. Ang mga iba’t ibang bansa ay hinigpitan ang kanilang seguridad sa mga taong galling sa ibang bansa. May iba na nagsiumlan nang magsuot ng face mask. Ang mga iba’t ibang gusali ay hindi masyadong pinagpupuntahan ng mga tao sapagkat sila ay takot na mahawa sa sakit (“Severe acute respiratory syndrome (SARS) outbreak, 2003”).

Gaya ng pagkatakot ng mga tao sa SARS, nais ring ipadama ng may-akda ang takot at alilinglangan sa pahayag na kinabibilangan ng sakit.

 

Ang GMA bilang angkop na katunggali ng ABS-CBN

            Nabigyan ng pansin sa nobela ang estasyong GMA. Ang kadahilanan nito ay dahil sa pagsibol ng GMA bilang katunggali ng ABS-CBN. Ang pagsanib pwersa ng ABS at CBN company ang nagdulot na maging dominanteng channel sa Pilipinas. Ngunit noong 2003, tumaas ang ratings ng GMA para ito  ay umahos at maging katunggali ng ABS-CBN. (Tay, et al.)

Ang pagbago ng ihip ng hangin sa larangan ng telebisyon ang nais ipahatid ng may-akda sa kanyang mambabasa. Ngunit ang labis na makaunawa nito ay ang mga taong nakabasa nito noong 2003 sapagkat ang kasikatan ng GMA ay hindi na masyadong pinag tatakahan ngayon.

 

Ang pagalam sa kultural na pagtatakda ng isang teksto ay importante sapagkat ito ay nakakabigay ng mas malalim na pagunawa binabasa. Ang kultura ay sadyang repleksyon n gating kasaysayan.

 

 

Mga Basahing Nabanggit:

Conrad, Dr. Brent. Internet Addiction – Symptoms, Signs, Treatment, and FAQS – TechAddiction, www.techaddiction.ca/internet-addiction.html. Accessed 12 Sept. 2017.

Affairs, GMA News and Public. “From Friendster to Facebook and beyond.” GMA News Online, http://www.gmanetwork.com/news/scitech/content/176875/from-friendster-to-facebook-and-beyond/story/. Accessed 12 Sept. 2017.

“Mobile Communication and Society.” Google Books, books.google.com.ph/books?id=cPIjf2DUxQAC&pg=PA140&lpg=PA140&dq=texting in the philippines 2003&source=bl&ots=O56f83E0Jj&sig=UK0nH10hDzxQfBZc6DxiE9m3CtA&hl=en&sa=X&ved=0ahUKEwiovqjBz5rWAhWLErwKHQDYB78Q6AEIcDAP#v=onepage&q=texting%20in%20the%20philippines%202003&f=false. Accessed 12 Sept. 2017.

Macanas, Mark Milan. “Friendster Login Page : Through The Years – 2002 to 2010.” TechPinas : Philippines’ Technology News, Tips and Reviews Blog, http://www.techpinas.com/2010/09/friendster-login-page-through-years.html?m=1. Accessed 12 Sept. 2017.

“Welcome to ATT.Com.” AT&T® Official – Entertainment, TV, Wireless & Internet, http://www.att.com/. Accessed 12 Sept. 2017.

Lichauco, HINDSIGHT by Josefina T. “The Philippine text messaging phenomenon.” Philstar.com, www.philstar.com/business-life/85823/philippine-text-messaging-phenomenon. Accessed 12 Sept. 2017.

Chew, Valerie. “Severe acute respiratory syndrome (SARS) outbreak, 2003.” Infopedia, 2 June 2009, eresources.nlb.gov.sg/infopedia/articles/SIP_1529_2009-06-03.html. Accessed 12 Sept. 2017.

“Television Histories in Asia.” Google Books, books.google.com.ph/books?id=_xQ-CgAAQBAJ&pg=PT216&lpg=PT216&dq=abscbn%2Bdominance%2B2003&source=bl&ots=FRtUUvXZD1&sig=DhMq3Ft_ncWJ8Vxo5TKWYH8NwzE&hl=en&sa=X&ved=0ahUKEwjq-JPij6DWAhUEjpQKHbYsCI8Q6AEISzAG#v=onepage&q=abscbn%20dominance%202003&f=false. Accessed 12 Sept. 2017.

 

 

PAQUIBOT, ANGEL GRACE

Sintesis sa Alamat ng Gubat ni Bob Ong

Ipinapalagay sa pag- aaral na ang katiwalian na nangyayari tuwing kampanya sa eleksyon sa Pilipinas patungo sa paghahalal hanggang sa pagtatalaga ng isang lider ng bansa ay may pagkakatulad sa kwentong Alamat ng Gubat ni Bob Ong.

Bago ganapin ang pagluluklok ng bagong lider na uupo sa posisyon, bahagi na ng proseso na dadaan muna sa pangangampanya ang mga politiko upang makuha ang loob ng karamihan. Maaaring maging sa iba’t ibang paraan patunayan ng mga kandidato sa mga tao ang karapatan sa termino, kabilang dito ang mga plataporma kung saan ilalatag ang mga pangakong gagawin kapag nakaupo na sa termino. Ang ganitong pangyayari sa mundo ng politika ay maihahambing sa isang eksena sa Alamat ng Gubat ni Bob Ong kung saan matagumpay na minapula ng kuneho ang desisyon ng mga langgam sa pamamagitan ng imoral at di-matuwid na mga paraan.

“Sa pagkakataong iyon, naghagis si kuneho ng isang malaking tipak na tae sa kanyang harapan at nagsabing: “Downpayment pa lang yan sa mga boboto sa akin!” Gaya ng inaasahan, dagsang lumapit ang mga langaw sa kanyang kampo sa isang kisapmata.”

Kung ang batayan ay ang tatlong presidential debates na ginanap noong 2016, walang makikita na pangakong bago para sa bayan, “Pauunlarin ko ang bansa, iaangat ko ang mga mahihirap na kababayan…” (Verzola, “Pangako ng Politiko, Napapako Pa Rin” p3.). Bawat isa sa mga kandidato ay isinasaad ang kani- kanilang mga solusyon at plano, ngunit sa maraming dekada nang naririnig ang mga katagang ito. Hitik sa mga pangako at maging ng mga patutsada na nais lamang palitan ang administrasyon. Marahil, dahil dito, may kapangyarihan na, may nakukuha pang yaman. Sa madaling salita, natutukso ang mga kandidato sa maaaring makuha at mapakinabangan sa oras na makuha ang posisyon kaya’t sa abot ng makakaya, bumibitaw ng pangako ngunit sa huli, hindi ito pinapanindigan. Kagaya ng pangako ni Pagong, isa sa mga tauhan sa kwentong Alamat ng Gubat ni Bob Ong, na ipaubaya nalang ang puso ng saging kay Tong ngunit hindi napigilan ang sarili dahil sa kasakiman, kung kaya’t napako ang pangakong makapagsilbi sa karamihan.

“Di nagpatalo sa pagmamagandang loob, sumingit si Pagong sa ilalim ni Tong at Aso, “YamanDinLamangAtHindiAkoNapiliBilang- HariNgGubatHayaanNiyoNangMakapagsilbi- AkoSaMgaHayopKahitManLangSaPagkakataongIto… Sandali, sandali! BakaNandyanSiBuwayaSa- ItaasNgPunoAkoNalangAngPipitasNgPrutasKuneho…”

Marami sa mga politiko ang walang kaibahan kina Adan at Eba sa Paraiso. Pare- pareho lamang natutukso at nagpapatukso na sa kalaunan, siya rin mismong nagiging tukso sa huli. Ngunit kapag nagkakabukingan na, ginagaya sina Adan at Eba, nagtuturuan sa kasalanang nagawa (Remate, “Away ng mga Buwaya sa Away Pulitika”). Ang malungkot isipin ay ang kasakiman ng iilang lider ng bansa ay nagdudulot ng kawalan para sa karamihan. Ang kawalan ng hustisya na makakain tatlong beses sa isang araw, magkaroon ng ligtas at maayos na tirahan, makapag- aral ng mabuti, ang karapatang malaman kung ano ang karapatan ng bawat isa. Alam ng lipunan na ang lahat ng mga kandidato ay walang kaibahan sa isa’t-isa. Ang nais lamang nila ay umupo sa pwesto para lalo pang magpayaman gamit ang kapangyarihan. Pero walang nagawa ang kanilang mga kampanya at plataporma kung saan sa simula’t- mula pa lamang ay ang layunin ay hindi para sa kabutihan ng mga tao kundi alang- alang sa mga sarili. Makikita rin kung paano kinakatawan ng mga tauhan sa kwento ang mga sakim at malupit na mga tao mula sa pelikula, kagaya nalang nang mag- agawan ang mga hayop sa pagkuha ng pusong ng saging kung saan sa huli, bumagsak sila at walang nakuha.

“Umakyat si Tong at tinungtungan si Pagong. Pero umakyat na rin si Aso para tuntungan ulit si Tong… na sinundan naman ni Kuneho… na sinundan naman ni Pagong… na sinundan naman si Sadamm.. na sinundan naman ni Tong… na sinundan ng pagbagsak nilang lahat.”

Samakatuwid, ang mga tao ay tanging instrumento lamang upang makuha ang kapangyarihan na inaasam- asam mula sa itaas. Sa pagkakataong ito ay dapat maging mapanuri sa mga sasabihin ng mga kumakandidatong pulitiko sa bayan. Paulit-ulit ang mga pangako na isinasaad dahil hindi naman ito nagagawa pagkatapos ng eleksyon. Kung nais gumawa ng bagong mahahalal na pangulo ng isang pagbabago sa termino ay maaari niyang simulan sa pamamagitan ng paglutas sa problemang ito ng transportasyon. Maaari din silang mag-alok ng mga trabaho na matiyak ang pang-araw-araw na pinansiyal na usapin ng isang indibidwal upang mabawasan ang mga isyu sa lipunan na kinakaharap ng bansa. Ang sakit ng maraming pulitiko sa Pilipinas ay ang pag- iisip at pagtanaw sa sarili bilang Diyos na may kapangyarihan na basta kayang gawin ang ipinangako nang walang basehan at paliwanag. (Tulfo, “Kongkretong Plataporma Para Sa Bayan.”) Sa huli, ang lahat ang nagagantso kapag nakaupo na ang mga di- makatuwiran na mga politiko. Ang mga pulitiko ay kailangang palitan nang madalas at para sa parehong dahilan. Alamin kung ano ang balak ng mga kandidato para guminhawa ang buhay ng bawat nagbabayad ng buwis at magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga Pilipino. Dapat isandal ang pagdedesisyon batay sa kung ano ang nais ng Pilipino para sa sariling bansa.

 

 

 

VERDIDA, JENNY BABE

Sintesis sa kwentong Alamat ng Gubat ni Bob Ong

Pinapalagay sa kwento ang pagkabuo ng pagkatao ni Tong sa pamamagitan ng pakikipagsapalaran sa gubat. Nagpapakita ito ng pagtuklas sa iba’t-ibang aspeto ng humanidades. Sinumulan ng may-akda ang pagkilala sa misyon ng pangunahing tauhan sa kwento na hanapin ang puso ng saging upang panlunas sa sakit ng amang Talangka. Tinahak ang daan ng walang alam sa tamang destinasyon ngunit paano kaya namulat si Tong sa mga bagay sa paligid at sa pakikipag-usap sa ibang karakter sa kwento? Simula pa sa sinaunang bahagi ng kwento, ginampanan na ng mga karakter sa paligid ang pagtugon ng pangangailangan sa isa’t-isa. Ang transaksiyon sa pagitan ng buwaya at ni Tong. Ang bidang si Tong ay sumisimbolo sa kabataan na bulag sa totoong nangyayari sa lipunan. Ang pagiging bata ni Tong ay naghahanap ng tunay na kahulugan ng lipunang ginagalawan. Nagsimulang pasibo at inosente ngunit sa pagtahak niya sa gubat, katulad ng tao ay may hinahanap na sagot sa problema. “Ayon sa ASEAN Children’s Forum (ACF) at Child Rights Coalition, ang partisipasyon ng mga bata ay isang karapatang pantao. Ito ay nakalahad sa Convention on the Rights of the Child (CRC) , kung saan ang ating bansa ay isa sa mga signatories o nagsipaglagda. Ayon nga sa Article 12 at 13 nito, dapat masiguro ng mga estado ang karapatan ng mga bata na kaya ng bumuo ng kanilang mga ideya at opinyon na malayang maibahagi ang kanilang mga pananaw. Dapat ding masiguro ang mga estado ang kalayaan ng mga bata na maghanap, tumanggap at magbigay ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pagsulat, pagsasalita, sining o sa kahit ano pang paraan o medyum na nais nila.” (Pascual, p1 “Balita Online”) Sa kaso ni Tong ay kahit bata pa lamang ay ito na mismo ang naghanap ng gamot para sa amang may sakit hingil sa dapat ang mas matanda ang gagawa nito at walang sapat na kaalaman ang bata sa mga bagay sa paligid. Tungkol sa pagbuo ng pagkatao ng isang bata ay basic pa lamang ang natutunan; kung may nanghihingi ay bibigyan kaagad, kung inuutusan ng magulang ay gagawin kaagad. Dahil dito, ang ibang tao rin minsan ay pinagsasalamantahan at inaabuso ang kakayahan ng mga bata at ginagamit ang kakulangan para makuha ang gusto nila. Isa narin dahil sa musmos na gulang bilang respeto ay sumunod ito sa utos sapagkat nabilog ang ulo nito sa paniniwalang binitawan ng buwaya bilang isang “hari sa kagubatan”. Ngunit sa huli ay muntik pa itong napahamak.

Patuloy parin sa paghahanap ng solusyon si Tong. Malayo-layo na ang natakbo dahil sa takot at nakasalamuha na naman ng ibang hayop sa gubat. Marami ang nasayang na oras, hindi parin alam ni Tong kung ano ang sasapitin sa pusod ng kagubatan kaharap ng dambuhalang bangungot. Kaya bumalik ulit ito sa pag-iisip at sa misyon na dapat pagtuonan. Sa pagtanong ulit ni Tong kung saan kumuha ng puso ng saging sa mga hayop, nakapukos parin ang atensyon nito at sinunod ang sinabi ng leon. Sa pangalawang pagkakataon, nililo na naman ng nasabing hayop si Tong at pinaniwala sa kasinungalingan. Nagkaroon ng ugnayan ang mga ito dahil sa kanya-kanyang pangangailangan. At ang interaksiyong ito ay bumubuo sa pagkatao at pagiging indibidwal ni Tong na unti-unting naintindihan ang sitwasyon sa gubat. Pagkatapos ay nasalamuha ni Tong ang alyansa ng mga insekto sa gubat. Narinig ang iba’t-ibang panayam tungkol sa isyu ng pamumuno sa lugar.

“Mahalagang maunawaan ng tao mula sa perspektibong ito na nagbibigay puwang sa kaugnayan niya sa kanyang pinag-gagalingang lipunan at kalinangan. Ito ay dahilan na ang indibidwal ay nakikibahagi sa iba pang mga tao sa kanyang kapaligiran ng mga ideya, halagahin ng kung ano ang tama at mali at maging ng konsepto ng mga bagay o pangyayari sa paligid niya.” (Valsiner, p 54) Ang interaksiyong nabuo rin sa mga nag-aalyansa ay tumutulong sa bawat insektong bumubuo sa lipunan upang mag-ugnayan at magsa-ayos ng kanilang buhay na isa ang pinaninindigan o adbokasiya. Nasubaybayan ni Tong ang nangyayaring botohan sa gubat kung sino ang magiging hari. Maraming kaganapan ang nangyari, kanya-kanyang diskarte at debate sa partido ng mga hayop at insekto. Nagmamasid lang si Tong at naghihintay sa susunod na mangyayari kagaya ng mga kabataan ngayon na wala masyadong pakialam sa mga nangyayari sa paligid. Tulad rin sa totoong buhay ay mayroon ding kinatatakutan ang mga tao dito sa mundo kaya sa pagdating ng leon sa kwento habang may eleksyon ay kumaripas kaagad ang mga hayop ng takbo. Napagtanto na ni Tong ang pangyayari dahil sa tulong ng mga kapwa hayop kaya pinatatag pa ito ang loob upang hanapin ang puso ng saging. Nagtulungan pa sila sa pagkuha nito at sa huli ay nabigo rin.

Kung susuriing mabuti, tila may baligtarang relasyon ang lipunan at ang indibidwal. Sa loob ng mga lipunan o grupo nagkakaroon ng ang mga tao kung saan nabubuo ang sistema ng kanilang pakahulugan. Hinuhubog naman ng mga pakahulugang ito at tinutulungan ang bawat tao kung paano dapat makipag-ugnayan sa loob ng lipunan. At ang mga nabuong pakahulugang ito ang humuhugis at nagdidikta sa kilos, reaksyon. Isipan at damdamin na dapat ay naiintindihan din ng sinumang kabahagi sa grupong iyon. (Shweder, p78) Napagtanto ni Tong sa pangyayaring iyon na kinailangan talagang bususihin ang wastong kahulugan ng mga aksyong ginagawa sa paligid. Umabot rin sa eksenang dumating ang kapatid ng talangka at doon lumabas ang tunggalian nila sa isa’t-isa. Nag-aaway ang dalawa kung sino ang karapat dapat kilalanin sa pamilya ngunit wala ring patutunguhan ang labanan sa pagitan ng mga talangka. Nalaman pa ni Tong na ginagamit rin ang kanyang kakayahan at bilang anak ng ama upang makuha ang kapangyarihan sa puso ng saging.


Kasabay ng pagkawala ng kaibigang si Ulang ay napagnilayan ni Tong ang mga pangyayari sa kanyang buhay. Ang masasayang ala-ala kasama ang mga mahal sa buhay at ang paglalakbay patungo sa pagkuha ng puso ng saging. Aktibong nahulma ang buhay ni Tong mula sa tahanan pamunta sa komunidad na ginagalawan. Maraming balakid lalo na sa mga tao sa paligid na hindi makontrol ang kilols ng bawat isa.
Ang isyu sa kahirapan ang isa sa problema din ng kwento. Ang mga karakter ay may kani-kanilang pangangailangan na hindi natustusan ng awturidad kaya naghahari ang iba. Dahilan kung bakit laksa-laksang insekto ang nagprotesta makuha lang ang hustisya.

May mga panahon na sumasabay ang swerte at kahirapan at dito sumusubok ang kakayahan ng isang tao kung paano nilalabanan ang mga sitwasyong ito. Kagaya ni Tong ay patuloy parin ang pakikipagsapalaran sa gubat at dumating sa kanyang isipan na dapat kumilos na talaga tungo sa pagbabago at kaunlaran ng kagubatan. Kung walang gagawa, sino pa? Hanggang kailan pa magsisimula, kapag huli na ang lahat at tapos nang mangyari ang mga bagay na di mawari?


Lahat ng tao nag-iiba at iba ang perspektibo sa buhay kung kaya’t lahat ay konektado lamang. Hindi pagkilala sa pinanggaliang, ay kinailangan magkaintindihan ang bawat isa. Hindi dapat titigil sa paghanap sa totoong kahulugan ng buhay dahil isa ito sa susi upang mamulat sa realidad na nangyari sa lipunan. Katulad ng Alamat ng Gubat ni Bob Ong, sa huli ay matatamasa ng bawat isa sa kasiyahang pinaghirapan at pinagsikapan at hindi ito mapapalitan ng ano mang kayamanan.

 

REPERENSIYA:
http://balita.net.ph/2016/04/03/karapatan-ng-mga-kabataan/
http://www.academia.edu/5344711/Isang_Pag-aaral_sa_Konteksto_at_Katangian_ng_Kasiyahan_ng_mga_Kabataan