Sintesis sa kwentong Alamat ng Gubat ni Bob Ong(Sintesis)

Pinapalagay sa kwento ang pagkabuo ng pagkatao ni Tong sa pamamagitan ng pakikipagsapalaran sa gubat. Nagpapakita ito ng pagtuklas sa iba’t-ibang aspeto ng humanidades. Sinumulan ng may-akda ang pagkilala sa misyon ng pangunahing tauhan sa kwento na hanapin ang puso ng saging upang panlunas sa sakit ng amang Talangka. Tinahak ang daan ng walang alam sa tamang destinasyon ngunit paano kaya namulat si Tong sa mga bagay sa paligid at sa pakikipag-usap sa ibang karakter sa kwento? Simula pa sa sinaunang bahagi ng kwento, ginampanan na ng mga karakter sa paligid ang pagtugon ng pangangailangan sa isa’t-isa. Ang transaksiyon sa pagitan ng buwaya at ni Tong. Ang bidang si Tong ay sumisimbolo sa kabataan na bulag sa totoong nangyayari sa lipunan. Ang pagiging bata ni Tong ay naghahanap ng tunay na kahulugan ng lipunang ginagalawan. Nagsimulang pasibo at inosente ngunit sa pagtahak niya sa gubat, katulad ng tao ay may hinahanap na sagot sa problema. “Ayon sa ASEAN Children’s Forum (ACF) at Child Rights Coalition, ang partisipasyon ng mga bata ay isang karapatang pantao. Ito ay nakalahad sa Convention on the Rights of the Child (CRC) , kung saan ang ating bansa ay isa sa mga signatories o nagsipaglagda. Ayon nga sa Article 12 at 13 nito, dapat masiguro ng mga estado ang karapatan ng mga bata na kaya ng bumuo ng kanilang mga ideya at opinyon na malayang maibahagi ang kanilang mga pananaw. Dapat ding masiguro ang mga estado ang kalayaan ng mga bata na maghanap, tumanggap at magbigay ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pagsulat, pagsasalita, sining o sa kahit ano pang paraan o medyum na nais nila.” (Pascual, p1 “Balita Online”) Sa kaso ni Tong ay kahit bata pa lamang ay ito na mismo ang naghanap ng gamot para sa amang may sakit hingil sa dapat ang mas matanda ang gagawa nito at walang sapat na kaalaman ang bata sa mga bagay sa paligid. Tungkol sa pagbuo ng pagkatao ng isang bata ay basic pa lamang ang natutunan; kung may nanghihingi ay bibigyan kaagad, kung inuutusan ng magulang ay gagawin kaagad. Dahil dito, ang ibang tao rin minsan ay pinagsasalamantahan at inaabuso ang kakayahan ng mga bata at ginagamit ang kakulangan para makuha ang gusto nila. Isa narin dahil sa musmos na gulang bilang respeto ay sumunod ito sa utos sapagkat nabilog ang ulo nito sa paniniwalang binitawan ng buwaya bilang isang “hari sa kagubatan”. Ngunit sa huli ay muntik pa itong napahamak.

Patuloy parin sa paghahanap ng solusyon si Tong. Malayo-layo na ang natakbo dahil sa takot at nakasalamuha na naman ng ibang hayop sa gubat. Marami ang nasayang na oras, hindi parin alam ni Tong kung ano ang sasapitin sa pusod ng kagubatan kaharap ng dambuhalang bangungot. Kaya bumalik ulit ito sa pag-iisip at sa misyon na dapat pagtuonan. Sa pagtanong ulit ni Tong kung saan kumuha ng puso ng saging sa mga hayop, nakapukos parin ang atensyon nito at sinunod ang sinabi ng leon. Sa pangalawang pagkakataon, nililo na naman ng nasabing hayop si Tong at pinaniwala sa kasinungalingan. Nagkaroon ng ugnayan ang mga ito dahil sa kanya-kanyang pangangailangan. At ang interaksiyong ito ay bumubuo sa pagkatao at pagiging indibidwal ni Tong na unti-unting naintindihan ang sitwasyon sa gubat. Pagkatapos ay nasalamuha ni Tong ang alyansa ng mga insekto sa gubat. Narinig ang iba’t-ibang panayam tungkol sa isyu ng pamumuno sa lugar.

“Mahalagang maunawaan ng tao mula sa perspektibong ito na nagbibigay puwang sa kaugnayan niya sa kanyang pinag-gagalingang lipunan at kalinangan. Ito ay dahilan na ang indibidwal ay nakikibahagi sa iba pang mga tao sa kanyang kapaligiran ng mga ideya, halagahin ng kung ano ang tama at mali at maging ng konsepto ng mga bagay o pangyayari sa paligid niya.” (Valsiner, p 54) Ang interaksiyong nabuo rin sa mga nag-aalyansa ay tumutulong sa bawat insektong bumubuo sa lipunan upang mag-ugnayan at magsa-ayos ng kanilang buhay na isa ang pinaninindigan o adbokasiya. Nasubaybayan ni Tong ang nangyayaring botohan sa gubat kung sino ang magiging hari. Maraming kaganapan ang nangyari, kanya-kanyang diskarte at debate sa partido ng mga hayop at insekto. Nagmamasid lang si Tong at naghihintay sa susunod na mangyayari kagaya ng mga kabataan ngayon na wala masyadong pakialam sa mga nangyayari sa paligid. Tulad rin sa totoong buhay ay mayroon ding kinatatakutan ang mga tao dito sa mundo kaya sa pagdating ng leon sa kwento habang may eleksyon ay kumaripas kaagad ang mga hayop ng takbo. Napagtanto na ni Tong ang pangyayari dahil sa tulong ng mga kapwa hayop kaya pinatatag pa ito ang loob upang hanapin ang puso ng saging. Nagtulungan pa sila sa pagkuha nito at sa huli ay nabigo rin.

Kung susuriing mabuti, tila may baligtarang relasyon ang lipunan at ang indibidwal. Sa loob ng mga lipunan o grupo nagkakaroon ng ang mga tao kung saan nabubuo ang sistema ng kanilang pakahulugan. Hinuhubog naman ng mga pakahulugang ito at tinutulungan ang bawat tao kung paano dapat makipag-ugnayan sa loob ng lipunan. At ang mga nabuong pakahulugang ito ang humuhugis at nagdidikta sa kilos, reaksyon. Isipan at damdamin na dapat ay naiintindihan din ng sinumang kabahagi sa grupong iyon. (Shweder, p78) Napagtanto ni Tong sa pangyayaring iyon na kinailangan talagang bususihin ang wastong kahulugan ng mga aksyong ginagawa sa paligid. Umabot rin sa eksenang dumating ang kapatid ng talangka at doon lumabas ang tunggalian nila sa isa’t-isa. Nag-aaway ang dalawa kung sino ang karapat dapat kilalanin sa pamilya ngunit wala ring patutunguhan ang labanan sa pagitan ng mga talangka. Nalaman pa ni Tong na ginagamit rin ang kanyang kakayahan at bilang anak ng ama upang makuha ang kapangyarihan sa puso ng saging.


Kasabay ng pagkawala ng kaibigang si Ulang ay napagnilayan ni Tong ang mga pangyayari sa kanyang buhay. Ang masasayang ala-ala kasama ang mga mahal sa buhay at ang paglalakbay patungo sa pagkuha ng puso ng saging. Aktibong nahulma ang buhay ni Tong mula sa tahanan pamunta sa komunidad na ginagalawan. Maraming balakid lalo na sa mga tao sa paligid na hindi makontrol ang kilols ng bawat isa.
Ang isyu sa kahirapan ang isa sa problema din ng kwento. Ang mga karakter ay may kani-kanilang pangangailangan na hindi natustusan ng awturidad kaya naghahari ang iba. Dahilan kung bakit laksa-laksang insekto ang nagprotesta makuha lang ang hustisya.

May mga panahon na sumasabay ang swerte at kahirapan at dito sumusubok ang kakayahan ng isang tao kung paano nilalabanan ang mga sitwasyong ito. Kagaya ni Tong ay patuloy parin ang pakikipagsapalaran sa gubat at dumating sa kanyang isipan na dapat kumilos na talaga tungo sa pagbabago at kaunlaran ng kagubatan. Kung walang gagawa, sino pa? Hanggang kailan pa magsisimula, kapag huli na ang lahat at tapos nang mangyari ang mga bagay na di mawari?


Lahat ng tao nag-iiba at iba ang perspektibo sa buhay kung kaya’t lahat ay konektado lamang. Hindi pagkilala sa pinanggaliang, ay kinailangan magkaintindihan ang bawat isa. Hindi dapat titigil sa paghanap sa totoong kahulugan ng buhay dahil isa ito sa susi upang mamulat sa realidad na nangyari sa lipunan. Katulad ng Alamat ng Gubat ni Bob Ong, sa huli ay matatamasa ng bawat isa sa kasiyahang pinaghirapan at pinagsikapan at hindi ito mapapalitan ng ano mang kayamanan.

 

REPERENSIYA:
http://balita.net.ph/2016/04/03/karapatan-ng-mga-kabataan/
http://www.academia.edu/5344711/Isang_Pag-aaral_sa_Konteksto_at_Katangian_ng_Kasiyahan_ng_mga_Kabataan

 

-VERDIDA, JENNY BABE HUMSS- LAW

Leave a comment